Binabantayan ngayon ng PAGASA ang isa pang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang LPA sa layong 855-kilometro Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
Batay sa japan meteorological agency o jma, isa na itong bagyo.
Ngunit ayon sa PAGASA, malaki ang tyansa na lumayo ang LPA sa bansa at hahatakin nito ang hanging habagat na magbibigay naman ng magandang panahon sa ilang bahagi ng bansa sa mga susunod na araw.