Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na may tiyansa na manalo si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa darating na 2022 elections.
Aminado ang pangulo na “last minute” nang magdesisyon ang ruling PDP-Laban na si Dela Rosa ng patakbuhin bilang presidential candidate.
Aniya, may magandang record naman si Dela Rosa gaya ng pagiging alumnus ng Philippine Military Academy, PNP Chief at pagiging senador.