Ipinanawagan ng isang anti-smoking advocacy group sa gobyerno ang pagbabawal sa electronic cigarettes o E-Cig sa bansa.
Ayon kay New Vois Association of the Philippines President Emer Rojas, kailangan ng ipagbawal ang E-Cigarette sa local level kahit hindi pa natutukoy ang mga peligrong dulot nito sa mga consumer.
Hindi na anya dapat hintayin na mayroong magkasakit o tumaas ang bilang ng nagkakasakit dulot ng E-Cigarette maging ang mga na-a-adik dito bago magpatupad ng ban.
Ipinaliwanag ni Rojas na ang nicotine content ng E-Cigs ay naka-a-adik kaya’t ang unregulated sale at paggamit nito ay isang malinaw na peligroso ito para sa Milyun-Milyong Filipino.