Ipinanawagan ng mga pamilya na matulungan ng gobyernong mapauwi sa bansa ang 6,000 mga Pilipinong naka-detain sa Sandakan Immigration Holding Center sa Sabah, Malaysia.
Ayon sa nakababatang kapatid ng isa sa mga detainee na si Warda Majun- Straub, nanawagan aniya siya kay DFA secretary Teodoro Locsin Jr. na pabilisin ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur ang pag-ayos ng kanilang mga dokumento.
Aniya, karamihan sa mga naroon ay naiulat na nagkakasakit umano at nagugutom dahil sa marami ring detainees ang nasa naturang opisina.
Samantala, naglabas ng pahayag ang embahada ng Pilipinas sa Malaysia na kaya tumatagal ang proseso ng mga dokumento ay dahil walang konsulado sa Sabah at dinagdagan pa ng mga health protocol at restriksyon dulot ng COVID-19.—sa panulat ni Airiam Sancho