Posible pang ma-recover ang buto ng mga nawawalang sabungero na sinasabing itinapon sa Taal Lake. Ito ay ayon sa Department of Science and Technology.
Paliwanag ni Science Secretary Renato Solidum, nakadepende sa ang dekomposisyon ng mga labi ng mga nawalang sabungero sa lokasyon kung saan itinapon ang mga ito.
Aniya, kung walang oxygen sa pinagtatapunan ng mga labi, ay hindi madedecompose ang mga ito.
Samantala, sinabi ng DOST na handa silang magpahiram ng gamit sa mga technical divers para ma-recover ang mga labi ng nawawalang indibidwal.