Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Batanes kaninang 8:41 ng umaga.
Batay sa datos ng PHIVOLCS, namataan ang lindol sa layong 55 km sa kanluran ng bayan ng Sabtang na may lalim na 47 km at tectonic ang pinagmulan.
Sinabi rin ng PHIVOLCS na asahan ang posibleng aftershocks ng lindol. - sa panulat ni Airiam Sancho