Tinupok ng apoy ang aabot sa halos walong daang kabahayan sa Barangay Punta Princesa, Cebu City.
Ayon sa awtoridad, isang lalaki rin ang nasawi na kinilalang si Ebert Feniza habang nagtamo rin ng sugat ang isa sa mga bumberong rumesponde.
Batay sa isinagawang imbestigasyon, nagsimula ang apo sa ang apoy sa bahay ng isang Jocelyn Daniel at kumalat na ito sa 566 pang mga kabahayan.
Aminado ang mga bumbero na hirap sila sa pag-apula ng apoy bunsod ng dikit-dikit na mga bahay kung saan umabot pa ng tatlong oras bago ideklarang fire under control na.
Sa ngayon, sa barangay gym muna tumutuloy ang mga nasunugang pamilya.