Kinumpirma ng Palasyo na nagbitiw na sa puwesto sina Press secretary Trixie Cruz-Angeles at Commission on Audit (COA) chairman Jose Calida.
Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevara, kapwa medical reasons ang ibinigay na dahilan nina Cruz-Angeles at Calida.
Nagpasalamat naman anya si Cruz-Angeles kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nilinaw ni Guevarra na nasa proseso pa sila ng pagtulong sa tanggapa ng Press Secretary at paghahanap ng kapalit sa nabakanteng posisyon.
Bukod kay Angeles, inihayag naman ni Executive secretary Lucas Bersamin na tinanggap na ng Pangulo ang pagbibitiw ni Calida.
Nagresign si Calida matapos ma-bypass ng Commission on Appointments.
Nanghihinayang anya si Pangulong Marcos sa pagbibitiw ng COA chief na wala pa ring kapalit.
Samantala, kinumpirma rin ni Bersamin na wala nang kahit anong posisyon sa Marcos Administration si dating Executive secretary Vic Rodriguez.