Target ng National Police Commission (NAPOLCOM) na maisumite kay Pangulong Rodirgo Duterte ang resulta ng kanilang imbestigasyon bago ang Nobyembre 8.
Ito’y may kaugnayan sa pagkakasangkot ni dating PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde sa operasyon ng mga dati nitong tauhan na tinaguriang ninja cops sa Pampanga noong 2013.
Ayon kay NAPOLCOM vice chairman at executive officer Rogelio Casurao, nais nilang maihabol ang resulta ng imbestigasyon bago tuluyang magretiro si Albayalde sa serbisyo.
Paliwanag ni Casurao, sakaling tuluyan nang magretiro sa serbisyo si Albayalde, mawawalan na sila ng poder dito at mahihirapan na sila itong habulin at papanagutin sa kaniyang naging pagkakasala.