Posibleng suspindehin o ma-demote ng isang ranggo at masibak sa serbisyo ang mga pulis na nasangkot sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob ng New Bilibid Prison o NBP.
Ito’y ayon kay National Capital Region Police Office o NCRPO Chief P/BGen. Debold Sinas ay dahil sa inihahanda na nila ang kasong administratibong ihahain laban sa 4 sa 18 pulis NCRPO.
Ayon kay Sinas, positibo kasing may alak ang inihalo sa iced tea drink at sigarilyo ng 60 rolyo ng tabako na nakumpiska sa mga nasabing pulis nang ipasuri nila ito sa PNP Crime Laboratory.
Samantala, sinabi ni Sinas na magpapatuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon sa 14 na iba pang pulis na nahulihan namang may dalang cellphone sa pambansang piitan na mahigpit din namang ipinagbabawal.
Hinihintay na lamang aniya ang resulta ng forensic examination ng PNP Anti-Cybercrime Group hinggil dito.
Nadis-armahan na rin ang 16 na pulis at 2 opisyal ng mga ito na naka-floating status na sa Regional Personnel Holding and Accounting Office ng NCRPO.