Maglalaan ng P31 billion ang pamahalaan para sa National Rice Program ngayong taon.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., gagamitin ang pondo para sa iba’t ibang programa tulad ng production support, research and development, extension services, at irrigation network services.
Kaugnay nito, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng higit sa P22 milyong halaga ng rice seeds, fertilizer vouchers, post-harvest facilities, financial capital, at mga kagamitang pansaka sa mga kooperatiba ng magsasaka sa Candaba, Pampanga.
Pagtitiyak ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., pinagtratrabahuan ng ahensya ang pagpapataas ng produksyon, partikular na ng bigas, sa gitna ng banta ng El Niño