Positibo ang pagtanggap ng publiko sa nakikitang presensiya ng mga pulis sa lansangan.
Ito ay ayon mismo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng kanyang pagnanais na palakasin pa ang police visibility sa pamamagitan ng cops on the beat.
Ayon sa pangulo, maganda ang pagtanggap ng mga tao sa nabanggit na hakbang, kasabay ng pagpapalakas pa ng pamahalaan sa aspeto ng seguridad at kaligtasan sa mga pampublikong lugar.
Nakararamdam aniya ng kapanatagan ang mga pilipino, base sa mismong testimonya ng mga ito.
Nais din ni Pangulong Marcos na palakasin ang pagresponde ng mga pulis sa pamamagitan ng pagpapatupad ng three-minutes police response na isinusulong ng bagong liderato ng Philippine National Police.
—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)