Sisimulan nang ipadala ng Commission on Elections o COMELEC sa iba’t ibang bahagi ng bansa bukas ang paraphernalia kabilang ang mga balota na gagamitin sa halalang pang-barangay at sangguniang kabataan o SK.
Ito’y kahit pa nakatakda ng lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte anumang araw ang panukalang batas na magpapaliban sa barangay at SK polls.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, ilalarga na nila sa Huwebes ang pagbiyahe sa mga election paraphernalia.
Ang deployment naman aniya ng 59.5 million official ballots ay posibleng simulan sa Oktubre 11.
Uunahin ang mga malalayong lugar habang pinakahuling i-de-deliver ang mga balota para sa Metro Manila.
—-