Nasa 13 mga gusaling pag-aari ng gobyerno ang nasira sa pagtama ng 6.9 magnitude na lindol sa Mindanao.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, karamihan sa mga na-damage na gusali ay dati nang tinamaan nuong mga naunang lindol nuong October at November kaya natuluyan nang nasira ang mga ito.
Kabilang sa mga matinding napinsala ay ang Magsaysay Municipal Hall sa Davao del Sur.
Nagpapatuloy naman ang isinasagawang assessment sa iba pang gusali sa mga apektadong lugar.