Mananatiling bukas ang lahat ng paliparan sa bansa sa harap ng nangyayaring kaguluhan sa Marawi City.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, normal ang operasyon ng mga paliparan sa buong bansa.
Kasabay nito, tiniyak ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang kaligtasan ng mga biyahero.
Gayunman, umapela si Tugade na maging alerto at mag-ingat sa lahat ng oras.
Courts are open
Samantala, inatasan ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang lahat ng korte sa Mindanao na manatiling bukas.
Sa harap ito ng idineklarang Martial Law ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao dahil sa paghahasik ng karahasan ng Maute Group sa Marawi City.
Maliban dito, ipinag-utos din ng punong mahistrado sa lahat ng mga hukom na naka-istasyon sa Mindanao na manatili sa kanilang lugar at mag-ulat sa tanggapan ng court administrator ukol sa sitwasyon nila doon.
By Ralph Obina
Operasyon ng mga paliparan sa bansa mananatiling normal was last modified: May 24th, 2017 by DWIZ 882