Itinanggi ng AFP o Armed Forces of the Philippines na pumalya ang kanilang intelligence kaya nagkaroon ng kaguluhan sa Marawi City.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col Edgard Arevalo, hindi plinano ng mga bandido ang ginawa panggugulo ng mga ito
Sa katunayan, sinabi ni Arevalo na ang mga pulis at sundalo pa ang unang umatake sa mga terorista nang magkasa ang mga otoridad ng operasyon laban kay Isinilon Hapilon na batay sa kanilang intelligence report ay nasa Marawi City umano
Pero hindi pa man naisisilbi ang arrest warrant kay Hapilon, sinalubong na agad ang mga pulis at sundalo ng bala ng mga bandido
Dito na aniya nakisali ang mga symphatizers at supporters ng Maute Group sa Marawi at naghasik ng kaguluhan sa syudad para hatiin ang atensyon ng mga otoridad
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal