Magiging malupit ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagharap sa mga terorista sa Mindanao.
Ito ang tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong magdeklara ng Martial Law dahil sa paghahasik ng karahasan ng Maute Group sa Marawi City.
Iginiit ng Pangulo na kailangan niyang gawin ito para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Kasabay nito, pinawi ng Pangulo ang pangamba ng publiko hinggil sa nangyayaring kaguluhan sa Mindanao.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte