Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Kaso ni VP Sara sa RRT, kinuwestyon ni Sen. Padilla; Posisyon ng Senado nais malaman ng senador

by DWIZ 882 September 8, 2026 0 comment
ROBIN PADILLA

Mariing kinuwestyon ni Senador Robin Padilla ang pagkakaroon ng kasong grave threats sa Quezon City Regional Trial Court ni Vice President Sara Duterte.

Giit ni Padilla, batay sa Konstitusyon, isa ang Bise Presidente sa impeachable officers, at malinaw sa Supreme Court ruling sa kasong “Ombudsman versus Court of Appeals” na mayroon itong immunity from suit.

Sa kaniyang manifestation sa plenary session, sinabi ni Padilla na binalot siya ng karimarimarim na balita na may kaso sa RTC ang nakaupong Bise Presidente, na isang impeachable officer.

Maaari lang aniya umusad ang kasong kriminal laban sa Bise Presidente kapag tapos na ang kaniyang termino.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment