Tiniyak ni World No. 1 Roger Federer ang paglalaro nito sa ATP Championships na gaganapin sa Montreal sa susunod na linggo.
Ito ang pagbabalik ni Federer sa Montreal simula noong 2011.
Ayon kay Federer, masaya siyang muling maglaro sa Montreal at umaasa siyang papabor sa kanya ang paglalaro sa Canadian Hardcourt.
Sa susunod na linggo ay ika-36 na kaarawan ni Federer na nangangahulugang sa Montreal ito magdiriwang ng kanyang birthday.