Hindi muna pangungunahan ng depensa ang magiging posisyon nila sa planong pagpapatawag kay Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.
Ayon kay Defense Counsel Atty. Micheal Poa, hindi pa napapanahon pag-usapan ang isyu dahil wala pa namang pormal na hinihinging subpoena ang prosecution para sa Bise Presidente.
Aniya, prerogative ng prosecution kung nais nitong paikliin ang presentasyon nito, kung sa tingin ng mga prosecutor ay nakamit na nila ang kanilang mga layunin.
Dagdag pa ni Poa, hindi nila inaasahan ang posibilidad na pagpapatawag sa Vice President, bagama’t napag-usapan na ito noong mga unang araw ng paglilitis.
Sa ngayon, hindi dapat anya mabahala dahil hindi pa malinaw kung ano ang magiging layunin ng subpoena laban kay VP Sara at kung ano ang magiging saklaw ng testimonya na nais nilang makuha. | via Jenn Patrolla (Patrol 38)

