Hindi umano tatanggihan ni Manila Mayor Isko Moreno sakaling i-endorso siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y ayon mismo kay Moreno matapos ianunsyo ang pag-withdraw ni Sen. Christopher “Bong” Go ng kaniyang kandidatura para sa 2022 elections.
Ayon kay Moreno, bukas niya itong tatanggapin dahil kailangan naman niya ang lahat ng klase ng tulong mula man ito sa ordinaryong tao.
Aminado ang alkalde na mabigat ang laban na kaniyang kinakaharap at malaki ang bansa.