Naniniwala si Philexport President at CEO at Employers Confederation of the Philippines President Sergio Ortiz-Luis na hindi dapat maging collateral damage ang mga cabinet secretary sa init ng pulitika sa bansa.
Nangangamba si Luis, Chairman Emeritus ng Philippine Chamber of Commerce, na mapilay ang gobyerno kung lahat ng miyembro ng gabinete ang magbibitiw sa pwesto.
Hindi anya dapat magbitiw ang lahat ng cabinet member lalo’t maganda naman ang performance, partikular ng kasalukuyang economic team, maging ni Transportation Secretary Vince Dizon kaya’t dapat itong mailigtas sa malawakang balasahan.
Magugunitang ipinag-utos ni pangulong Ferdinand Marcos Junior ang courtesy resignation ng lahat ng cabinet member na agad namang tinugunan ng nasa 20 miyembro ng kanyang gabinete.