Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa Department of Public Works and Highways ang pagkukumpuni sa bumagsak na tulay sa Cabagan, Isabela.
Sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na iniutos na ng pangulo ang agarang pag-usad ng mga hakbang upang maayos ang nasabing tulay.
Sinimulan na anya ng kanilang kagawaran ang proseso upang kumpunihin ang mga bahaging nagkaroon ng problema.
Kasalukuyan din pinag-aaralan ang kabuuang structural integrity ng tulay upang matukoy ang angkop na approach para sa pagkukumpuni at maibalik ito sa ligtas at maayos na kondisyon.
Dagdag pa ng Kalihim, na tapos na ng DPWH ang technical investigation kaugnay sa nangyaring pagbagsak ng tulay.
Sa puntong ito, nakikipagtulungan na sila sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang mapag-isa ang mga ulat at rekomendasyon.