Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority na saklaw ng “No-Contact Apprehension Policy” (NCAP) ang lahat ng major roads na nasa hurisdiksyon ng ahensya.
Kabilang na rito ang Edsa, Commonwealth Avenue, Quezon Avenue, Roxas Boulevard, C-5, Ortigas Avenue at Macapagal Boulevard.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, sisimulan muli ang implementasyon ng NCAP sa Lunes matapos na pansamantalang alisin ng Supreme Court ang temporary restraining order laban sa polisiya.
Mahalaga anya ang naturang hakbang lalo’t kasado na sa hunyo ang edsa rehabilitation.
Sa kabila nito, tutol ang ilang motorista at transport group tulad ng pasang-masda sa pagbabalik ng NCAP, partikular ang issue kung ang PUV Operator at Driver ang magbabayad ng multa.