Naniniwala si Federation of Philippine Industries Chairperson Elizabeth Lee na may masamang epekto sa mga negosyo sa bansa ang malawakang isyu ng korapsyon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Chairperson Lee na dahil sa malawakang isyu ng katiwalian, nagiging “unsettled” o magulo ang mga negosyo sa bansa.
Binigyang-diin pa ni Lee na mas tumataas ang karagdagang panganib sa pamumuhunan sa bansa bunsod ng nasabing isyu.
Iginiit ng FPI chairperson na hindi sapat ang pag-ugong ng isyu ng korapsyon sa balita; dapat may managot at makulong sa pagnanakaw ng bilyon-bilyong piso sa kaban ng bayan.




