Suportado nina Senate President Vicente Sotto III at Senate President Pro-Tempore Panfilo Lacson ang mungkahi ni Akbayan Party-list Representative Chel Diokno na alisin na ang pondo para sa unprogrammed appropriation sa susunod na taon.
Ito’y sa gitna ng pangamba na magamit ang nasabing pondo sa pangungurakot dahil sa flexible na mekanismo ng nasabing alokasyon.
Ayon kay Senador Lacson, napagkasunduan nila ng ilang mga senador na alisin ang unprogrammed appropriations, bukod sa foreign-assisted projects.
Nabatid na tinutulan ng karamihan sa mga kongresista ang pagtatanggal sa U.A., kung saan idinipensa ito ni House Appropriations Chairperson Mikaela Suansing dahil kailangan aniya ng bansa ng nakahandang pondo lalo na sa commitments na nauugnay sa foreign-assisted initiatives.




