Natagpuan ng mga otoridad ang bangkay ng magkapatid na tinangay ng agos at nalunod sa Pasunglao River sa Tabuk City, Kalinga.
Kinilala ang mga biktima na sina Frank Smith Gonzalo disi-syete anyos at Maybelle Gonzalo, bente dos anyos.
Ayon kay Major George Gonzalo, ang unang bangkay ay natagpuan sa mabatong bahagi ng bongdoen quarry habang ang bangkay ng kapatid ni Frank, na si Maybelle Gonzalo ay nakuha umanong lumulutang sa ilog kinagabihan.
Nalunod sina Frank at Maybelle noong Pebrero a-1 habang lumalangoy kasama ang iba pang miyembro ng pamilya sa nasabing ilog sa Calanan, Tabuk City. —sa panulat ni Kim Gomez