Home NATIONAL NEWS Pilipino, arestado sa Laos dahil sa pagpupuslit ng droga; death penalty, posibleng kaharapin

Philippine eagle, natagpuang patay malapit sa power line sa Misamis Oriental

by DWIZ 882 October 4, 2026 0 comment
eagle

Iniimbestigahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region X ang pagkamatay ng isang mature Philippine Eagle na natagpuan malapit sa electrical post sa Sitio Panghaon, Barangay Guinalaban, Salay, Misamis Oriental.

Ayon sa DENR, isang magsasaka ang nakakita sa agila noong Oktubre 1 at agad na ini-report sa mga opisyal ng barangay. Tinatayang nasa 76 inches ang wingspan ng ibon at tumitimbang ng humigit-kumulang 5.25 kilograms.

Wala umanong nakitang malinaw na external wounds sa unang pagsusuri, ngunit napansin ang mga markang tila paso sa mga paa nito. Dahil dito at sa lokasyon kung saan natagpuan ang agila, kabilang sa tinitingnang posibleng sanhi ng pagkamatay ang electrocution.

Gayunman, hindi pa ito kumpirmado at isasailalim pa sa necropsy upang matukoy ang aktuwal na dahilan ng pagkamatay.

Matapos ang field investigation, dinala ang labi ng Philippine Eagle sa Bukidnon Provincial Zoo bago ito itinurn-over sa Philippine Eagle Foundation para sa necropsy at karagdagang pagsusuri.

Ang Philippine Eagle ay kabilang sa mga critically endangered wildlife species sa bansa. Hinikayat naman ng DENR ang publiko na agad i-report sa pinakamalapit na DENR office o wildlife authorities ang anumang pagkakakita sa injured, distressed o patay na wildlife upang agad itong maaksiyunan.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment