Isang babaeng abogado at kanyang asawa ang patay matapos pagbabarilin sa Davao City.
Kinilala ang mga biktimang si Atty. Sitti Gilda Mahinay-Sapie at Muhaimen Mohammad Sapie na pinaulan ng bala sa labas ng kanilang bahay sa Phase 2, Solariega Subdivision.
Inaalam na ng Davao City Police Office ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.
Kilala si Sapie na legal counsel ng mga may problema sa lupa sa Davao Del Sur at Del Norte.
June 25, 2019 nang arestuhin ang abogado sa kasong illegal possession of firearms matapos makuhaan ng beretta 9mm pero nakalabas makaraang magpiyansa noong July 1, 2019. —sa panulat ni Drew Nacino