Nagkaayos na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Ito ang inamin mismo ng aktres matapos ang mga kontrobersyang kinasangkutan dahil sa hiwalayan nila ni Aljur.
Gayunman, sinabi ni Kylie na malabo nang magkabalikan sila bilang mag-asawa.
Nanindigan naman ang aktres na sinikap niyang makipag-ayos kay Aljur alang-alang na rin sa kanilang dalawang anak.