Home NATIONAL NEWS Impeachment trial ni VP Sara, target tapusin ng prosekusyon sa ikalawang linggo ng Nobyembre

Bansang Australia, nakapagtala ng unang kaso ng Omicron variant

by DWIZ 882 November 28, 2021 0 comment
OMICRON VIRUS VARIANT

KINUMPIRMA ng Australia na nagpositibo sa bagong Omicron variant ng COVID-19 ang dalawang biyahero na dumating sa Sydney mula Southern Africa.

Ayon sa mga health authorities, pawang asymptomatic ang dalawang pasahero na kasalukuyang naka-isolate sa Special Health Accommodation.

Kabilang ang dalawa sa labing-apat na pasaherong galing Southern Africa na sakay ng Qatar Airways flight QR908 mula Doha at dumating naman sa Sydney kagabi.

Sumasailalim naman ngayon sa labing-apat na araw na hotel quarantine ang labindalawa pang pasahero.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment