Posible umanong maging pangkaraniwang sakit na lamang ang Covid-19 batay sa pag-aaral ng United Kingdom.
Ito’y matapos lumabas sa pag-aaral na wala kahit 1 sa 4 na indibidwal ang ganap na gumaling mula sa covid pagkalipas ng isang buong taon ng pagkakaospital.
Habang 33% naman ng mga kababaihan ang may mababang posibilidad na ganap na gumaling kumpara sa mga lalaki.
Napag-alaman din na ang mga taong obese ay kalahati laman ang posibilidad na ganap na makarekober mula sa virus, habang ang mga nangangailangan ng mekanikal na bentilasyon ay 58% mas mababa ang tyansang gumaling.
Ang naturang pag-aaral ay isinagawa sa mga pasyenteng nakalabas na mula sa 39 na ospital sa Britanya na may covid sa pagitan ng buwan ng Marso 2020 at Abril 2021, kung saan lumabas na 807 mula sa 2,300 na pasyente ang gumaling sa loob ng 5 buwan at 1 taon.
Habang 26% lamang mula rito ang naiulat na ganap na gumaling pagkatapos ng 5 buwan, at ang bilang na iyon ay tumaas lamang nang bahagya sa 28.9% pagkatapos ng isang taon, ayon sa ang pag-aaral na inilathala sa Lancet Respiratory Medicine Journal.