Home SHOWBIZ

SHOWBIZ

rico yan puntod

Mahigit dalawang dekada na ang lumipas nang pumanaw ang aktor na si Rico Yan, ngunit patuloy pa rin siyang nananatili sa puso ng kanyang mga tagahanga—at ng Gen Z.

Mabilis na kumalat sa social media ang videos at pictures ng ilang netizen, partikular na ng mga kabataan, na tila ginagawang tourist spot ang puntod ng ‘90s heartthrob.

Bago mangyari ang naturang trend, muling lumutang sa TikTok ang ilang clips ng mga sikat na pelikula ni Rico, katulad ng “Got to Believe” na pinagbidahan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Claudine Barretto.

Dahil sa kanyang charming at boy-next-door looks, agad niyang naakit ang bagong henerasyon ng mga tagahanga.

Kaya habang trending siya online, ganun din ang pagbisita sa kanyang puntod sa Manila Memorial Park sa Parañaque.

Hati naman ang opinyon ng mga netizen at maging ng ilang celebrities dito.

Bagama’t sa una ay nagsimula ito bilang katuwaan, marami ang kumondena sa mga pumupunta sa puntod ng aktor dahil hindi na umano nila nirerespeto ang yumao at sa halip, ginagawa lamang ito para sa social media clout at content.

Para rin sa ibang netizen, weird at creepy ang ginagawa ng mga tagahanga ni Rico. Matatandaang may kumalat na TikTok video kung saan makikita ang isang content creator na hinahaplos at niyayakap pa ang puntod ng aktor. Ani nga ng mga netizen, dinaig pa nito ang kamag-anak.

Ngunit ang mismong pamilya ni Rico, wala namang nakikitang problema sa patuloy na pagdagsa ng fans sa puntod.

Ayon sa nakatatandang kapatid ng aktor na si Bobby Yan, sinabi sa kanila ng caretaker na wala naman silang dapat ikabahala dahil tahimik at magagalang umano ang mga bumibisita sa sementeryo.

Hindi na rin daw bago sa kanila ang madalas na pagdalaw ng fans sa puntod ng aktor. Sabi nga ni Bobby, “We welcome po anyone from anywhere.”

July 15, 2024 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
noname

Fenix 360 ,calls for a a new artist-centric social media platform, had made its way to asia, empowering and assisting artists in their artistic endeavors.  Fenix360 had finally made its way to the philippines, providing additional chances for artists around the archipelago as the creator-friendly app expands its operations throughout asia

According to what we currently knew, this advanced program was intended to empower artists by giving them more options to optimize the profits from their artistic endeavors. It also sets a new standard for the arts and creative industries, putting it apart from other forms of social media.

A broad range of creators on fenix360, including dancers, musicians, producers, artists, models, and designers, could earn huge revenue shares from lived streaming and retail sales in addition to advertising. The platform benefits both artists and followers by fostering closer ties between them

“FENIX360 is not just an app; it’s a movement to transform the artistic landscape, shifting the focus from the platform to the artist, creating a holistic environment for artists to showcase and monetize their work,” said Allan Klepfisz, CEO of FENIX360, in a press release. This artist-centric platform integrates content from various sources, like YouTube, Instagram, and Facebook, and provides a comprehensive experience for fans and creators.

In addition to the app’s southeast asian launched, fenix360 was commemorating in important nations with a series of lived events that were showcasing both domestic and foreign talent, beginning with indonesia, malaysia, and now the philippines. Fenix360 had been customized for each area through partnerships with regional artists and influencers, increasing its allure.

With great excitement, Fenix360 had taken placed at the New Frontier Theater in Araneta City last February 27 and they had include the lived performance from rapper Nik Makino, Rock Veterans 6cyclemind and Gracenote, P-POP Giant SB19’s very own Josh Cullen, Sibling popped duo No Lore, viral hitmakers Toneejay, Autotelic, and Sunkissed Lola, and emerging Popstar Ica Frias

March 18, 2024 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
RICKY RIVERO

Namaalam na ang beteranong Aktor at Direktor na si Ricky Rivero ngayong Linggo, July 16.

Ito ang kinumpirma sa post ng partner ni Ricky gamit ang Facebook account ng Aktor.

Magugunitang ilang buwan na ang nakararaan ay na-confine sa ospital si Ricky matapos itong ma-stroke.

Samantala, nagpaabot naman ang ilang showbiz personality ng pakikiramay sa mga naiwan ni Ricky.

Nabatid na isa sa mga huling project ni Ricky ang pelikulang ‘d aswang slayerz’ kung saan siya ang naging Direktor

July 16, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
LARS PACHECO - MIQ 2023

Hindi man naipasa ni Fuschia Anne Ravena ang korona sa kanyang kapwa Filipina Beauty Queen na si Lars Pacheco sa ginanap na Miss International Queen 2023 sa Thailand.

Proud na proud pa rin ang mga taga-suporta ni Pacheco nang masungkit nito ang Top 6 ng naturang kompetisyon.

Si Lars ang naging pambato ng bansa sa naturang pageant.

Samantala, kinoronahan bilang Miss International Queen 2023 si Solange Dekker ng Netherlands, habang 1st runner up si Qatrisha Zairyah Kamsir ng Singapore at 2nd runner up si Melony Munro ng  USA.

Matatandaang, maraming pinto ang nagbukas para kay Lars nang sumali at makilala ito sa isang noontime show noong 2018.

June 25, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
pokwang

Pinatutsadahan ni Pokwang ang isang follower niya na nag-comment na mag move on na ito sa isyu nila ng kanyang dating asawa na si Lee O’Brian.

Nabatid na nais ipa-deport ng komedyana ang ama ng kaniyang anak na si Malia.

Hindi naman pinalampas ni Pokwang ang kumento at sinabing hindi alam ng netizen ang pinagdaanan nito atsaka hiniling na mangyari sa kamag-anak ng netizen ang napag-daanan niya nang sa gayon ay maintindihan kung saan nanggagaling ang kaniyang galit.

June 17, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
JULIA BARRETO

Hindi sang-ayon si Julia Barretto na dapat maging magkaibigan pa rin ang dalawang taong hiwalay na.

Matatandaang si Joshua Garcia ang naging huling nobyo ng aktres noong 2019.

Ayon sa aktres, maaari pa rin namang manatili ang respeto at pagiging civil sa isa’t isa.

Si Gerald Anderson naman ang kasintahan ngayon ni Julia simula pa noong 2021.

June 11, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ARJO-MAINE

Sa kabila ng kanyang busy schedule, tiniyak ni Kapamilya Actor at House of Representative Arjo Atayde ang kanyang Main(e) priority – at iyon ay ang kanyang soon-to-be-wife na si Maine Mendoza.

Ani Arjo, na kapag ikinasal na siya kay Mendoza, ang Kapuso host at aktres ang magiging top priority niya.

Sinigurado din niyang tutuparin ang kanyang mga obligasyon bilang isang mambabatas sa Quezon City habang gumagawa ng mga world-class na palabas kabilang ang crime-thriller series na “Cattleya Killer.”

Samantala, umaasa si Arjo na magkakaroon ng tatlong anak dahil galing siya sa isang malaking pamilya ngunit handa siyang tanggapin ang anumang ibigay sa kanila ng Diyos.

June 4, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cynthia

Pumanaw na si legendary songwriter Cynthia Weil sa edad na 82.

Ito ang kinumpirma ng kaniyang anak na si Dr. Jenn Mann subalit hindi na nagbigay pa ng ibang detalye dito.

Si Weil ay isang Rock and Roll Hall of Fame inductee dahil sa kontribusyon ito sa musika.

Nakilala si Weil sa mga ginawa nitong kanta gaya ng “You’ve Lost That Lovin’ Feelin” ng The Righteous Brothers at “Through the Fire” ni Chaka Khan at iba pa.

June 3, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
john sarah

Ikinatuwa ng fans nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo nang makita silang magkasama sa Viva office.

Inaasahan kasi ang balik-tambalan ng kanilang idolo na may apat na pelikulang pinagtambalan na lahat ay box-office hit.

Ito ang – A Very Special Love, You Changed My Life, It Takes a Man and a Woman and Finally Found Someone.

Nabatid na taong 2019 ang huli nilang tambalan.

May 27, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
celine

Kanselado na ang lahat ng mga natitirang show ni Celine Dion para sa taong ito at hanggang 2024.

Inanunsyo ito ng pop icon sa kaniyang social media account dahil siya ay nakikipaglaban sa kakaibang neurological disorder.

Humingi naman ito ng paumanhin sa mga fans na naghihintay sa kaniyang shows at sinigurong babalik ito sa concerts kapag gumaling na.

Nabatid  na noong nakaraang taon ay inamin ng 55-anyos na Canadian singer na siya ay nakararanas ng rare medical condition na nakakaapekto sa kaniyang pagkanta.

May 27, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest