Home SHOWBIZ

SHOWBIZ

CAT SAM - AUSTRALIA

Inamin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na sa susunod na taon na ang kanilang kasal ng kasintahang si Sam Milby.

Ayon kay Catriona, ayaw nilang madaliin ang kasal at ini-enjoy pa nito ang engagement season.

Habang ibinahagi ng dating Miss Universe na pabor ang magulang ng bawat isa sa kanilang relasyon.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Gray dahil nakilala niya ang ama ng kasintahan bago ito pumanaw.

May 21, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
RK - JANE

Bagama’t mahigit dalawang taon nang magkasintahan sina RK Bagatsing at Jane Oineza, ay may nararamdaman pa ring insecurity si RK.

Ito ay dahil nais umanong i-please ni RK ang kaniyang kasintahan at gusto nitong masiguro na siya ang tamang lalaki para kay Jane.

Sinabi ni RK, “i have to be better. So parang sinasabi ko minsan na insecurity ko na maybe i am not enough sometimes. Kaya i need to be better.”

Ayon naman kay Jane, kung ganoon ang nararamdaman ng kaniyang partner ay hindi ito magsasawang i-assure ang nobyo na sapat ito at nararamdaman niya na mahal siya ni RK.

Samantala, sinabi rin ng aktres na masayang-masaya ito dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay makakasama na niya sa seryeng Nag-Aapoy Na Damdamin si RK.

Kasama rin dito sina Jc De Vera, Ria Atayde at Tony Labrusca.

Ipinangako naman ni RK sa kasintahan na lagi siyang nasa tabi nito para sumuporta.

May 21, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ria

Personal na inirekomenda ang aktres na si Ria Atayde ni MMDA Chairman Atty. Don Artes bilang susunod na spokesperson ng ahensya.

Agad namang tinanggap ni Ria ang offer kaya naman nag-sumite na si Chairman Artes ng endorsement letter sa palasyo.

Ayon kay MMDA Chair Artes, kwalipikado si Ria dahil siya ay nagtapos ng kursong Communications sa La Salle at sapat na ang experience nito para magampanan ng maayos ang trabaho bilang spokesperson.

Beneficial din umano pagiging celebrity ni Atayde ay para sa ahensya lalo na sa information dissemination.

Nabatid na si Ria ay kapatid ni Arjo Atayde na kasalukuyang Quezon City 1st District Representative.

May 20, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
bruno mars

Magsasagawa ng two-day concert sa Pilipinas ang singer na si Bruno Mars.

Ito ay dahil mabilis na na-sold out ang ticket sa unang gabi ng concert kaya’t naisipan ng kanilang kampo na magsagawa ng isa pang concert-day.

Isa ito sa mga pinaka-aabangang concert event sa bansa kasunod ng 120,000-summer blast 2023 crowd attendance.

Bukod sa 55,000 capacity ng pinakamalaking indoor arena ay kinailangan pang magdagdag ng isa pang araw ni Bruno Mars upang makapagperform para sa kanyang mga fans.

Si Bruno Mars ang nagpasikat ng kantang Treasure, The Lazy Song, 24-k Magic, at Just The Way You Are.

Samantala, gaganapin ang concert sa June 24. 2023 sa Philippine Arena.

May 20, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
R'bonney Gabriel

Kinoronahan si R’bonney Gabriel mula sa bansang America bilang Miss Universe 2022 sa Morial Convention Center in New Orleans, Louisiana.

Siya ang nagmana sa “force gor good” crown ni mouawad na unang isainuot ni harnaaz sandhu ng india na kinoronahang miss universe 2021.

Tinanghal naman na 1st at second runner-up ay sina Amanda Dudamel ng Venezuela at Andreína Martínez ng Dominican Republic.

Samantala, bigo namang makapasok sa top 16 ang pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortezi.—mula sa panulat ni Hannah Oledan

January 15, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
NADINE 2

Handa na si Nadine Lustre na sumabak sa iba pang proyekto.

Matapos ito na pumatok sa takilya ang MMFF entry na “Deleter” na pinagbidahan niya.

Ibinahagi rin ng aktres na masaya siyang naabot niya ang punto ng kaniyang career kung saan maaari siyang mamili ng sariling proyekto at may freedom o kalayaan na magsabi ng “hindi” at “tumanggi.”

Samantala, dahil sa tagumpay ng Deleter na isang horror/suspense movie, binansagan si Nadine na bagong horror queen.

January 14, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DOLLY DE LEON

Nakarating na sa Los Angeles, California ang batikang Pinay-actress na si Dolly de Leon para dumalo sa isang event.

Ito’y matapos maging nominado sa 80th Golden Globe Awards si Dolly bilang best supporting actress para sa comedy-drama film na “Triangle of Sadness.”

Nabatid na nito lamang linggo, nagsagawa ng send-off party ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) para kay De Leon sa San Juan City kasama ang malalapit nitong mga kaibigan at ka-trabaho.

Ayon kay De Leon, sakaling hindi palarin na makakuha ng award sa naturang patimpalak, sapat na para sa kaniya na napabilang sa international nomination.

January 10, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CHRIS EVANS ALBA BAPTISTA CAPTAIN AMERICA

Instagram official na ang ‘Captain America’ star na si Chris Evans at aktres na si Alba Baptista.

Ito’y matapos i-post ng 41-year-old actor sa IG ang video compilation ng 2022 moments nila ng kanyang 25-year-old Portuguese Girlfriend.

Makikita sa video na ginugulat nila ang isa’t isa at bigla na lamang magtatawanan sa walong magkakaibang okasyon.

Una nang umugong ang balita na isang taon nang nagdi-date ang dalawa at boto rin ang pamilya ni Chris kay Alba.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang dalawa kaugnay sa estado ng kanilang relasyon.

January 9, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CELINE DION 2023

“Don’t discredit the queen.”

Ito ang apela ng fans sa American magazine na rolling stone matapos hindi mapabilang ang Canadian singer na si Celine Dion sa listahan ng “The 200 Greatest Singers of All Time.”

Matatandaang nag-trending sa Philippine twitter ang “rolling stone” at “celine dion” kamakailan matapos ihayag ng fans ang kanilang pagka-dismaya sa nasabing listahan.

Giit pa ng fans, isa si Celine sa mga pinakamagagaling na vocalists ng henerasyon.

Samantala, nanguna naman sa ‘200 best singers of all time,’ sina Aretha Franklin, Whitney Houston, Sam Cooke, Billie Holiday, Mariah Carey, Ray Charles, Stevie Wonder, Beyoncé, Otis Redding, at Al Green.

January 3, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SONG JOONG KI KOPREAN ACTOR

In a relationship na ang South Korean actor na si Song Joong Ki sa isang non-showbiz British woman.

Ito ang kinumpirma ng Highzium Studio, ang agency ni Joong Ki kaugnay sa kaniyang status.

Nakiusap naman ito sa mga taga-hanga ng South Korean actor na suportahan na lamang ang relasyon nito.

Matatandaang dating asawa ni Joong Ki ang Korean actress na si Song Hye Kyo kung saan ikinasal sila noong 2017 at dalawang taon rin ang nakalipas nang mag-divorce.

December 26, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest