Home SHOWBIZ

SHOWBIZ

CELESTE CORTESI

Sinagot ng Filipina beauty queen na si Celeste Cortesi kung bakit karapat-dapat siyang manalo sa 71st Miss Universe pageant.

Sinabi ni Celesti na naniniwala siya na ang isang beauty queen ay hindi kailangan angkop sa pamantayan bilang Miss Universe at sinabi pa niyang nais niyang sumali sa kumpetisyon, noon pa man.

Giit pa ni Cortesi na hindi dapat matakot na ipakita ang kanyang kahinaan dahil layunin niyang magpakatotoo.

Samantala, nakatakda namang ganapin sa January 14, 2023 ang Miss Universe sa New Orleans Morial Convention Center, United States. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

December 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ANDREA BRILLANTES

Gagampanan ng Kapamilya aktres na si Andrea Brillantes ang iconic role na “Dyesebel” sa isang upcoming teleserye ng ABS-CBN.

Ito’y ayon sa talent manager at vlogger na si Ogie Diaz kung saan sinabi nito na ipapalabas ang “Dyesebel” sa 2023 at papalitan ang teleseryeng Darna na pinagbibidahan ni Jane De Leon.

Kinumpirma rin ni Diaz na nagtra-training na si Andrea para sa nasabing role at katunayan anya ay isang certified diver ang ina ng aktres.

Una na ring sinabi ni Andrea na pangarap niyang gumanap bilang sirena sa isang teleserye. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

December 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
VHONG 2

Pinayagan na ng Taguig City Regional Trial Court ang aktor na si Vhong Navarro na maghain ng piyansa.

Ito ang sinabi ng abogado ng aktor na si Atty. Alma Mallonga, kaugnay sa kinakaharap na kasong rape ni Vhong na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

Sa inilabas na resolusyon ng branch 69 ng Taguig RTC, hindi pa kumbinsido ang Korte na guilty ang Kapamilya host sa mga akusasyon.

Dahil dito, isang milyong piso ang ini-alok na bail para sa pansamantalang kalayaan ng aktor.

December 6, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ENHYPEN

Nasa Pilipinas na ang K-Pop group na Enhypen.
Para ito sa kanilang kauna-unahang fan meeting sa Maynila ngayong araw, katuwang ang isang beauty brand na magaganap sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Noong Oktubre unang ibinalita na magtutungo sa Pilipinas ang grupo, para sa pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo ng kanilang kumpanya.
Sa Pebrero sa susunod na taon muling babalik ang Enhypen sa Pilipinas, para naman sa dalawang araw na concert sa Mall of Asia arena.
Ang K-Pop group na Enhypen ay binubuo nina Jungwon, Heeseung, Jay, Jake, Sunghoon, Sunoo at Niki na nabuo sa pamamagitan ng 2020 survival program na “I-Land.”

December 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KANYE WEST

Ipinabatid ng rapper at fashion designer na si Kanye West ang plano nitong tumakbo sa 2024 US presidential race kasama si dating US President Donald Trump bilang running mate nito.

Ibinahagi ni Kanye sa kaniyang twitter account ang video na may swirling symbol at caption na #ye24, na tila kumakatawan sa 2024, ang taon ng susunod na halalan sa pagka-Pangulo ng US.

Magugunita na tumakbo rin si Kanye noong nakaraang eleksyon sa Amerika ngunit bigo itong manalo. —mula sa panulat ni Hannah Oledan

November 26, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BALIK SAYA MMFF 2022

Ipinasilip na sa publiko ang official posters ng walong Metro Manila Film Festival (MMFF) entries.
‘Balik-Saya sa MMFF 2022’ ang tema ng MMFF ngayong taon.
Kabilang sa walong official entries ay ang “Mamasapano: Now It Can Be Told” ng Borracho film production; “Deleter” ng Viva Communications, Inc., “Family Matters” ng Cineko Productions, Inc., “My Father, Myself” ng 3:16 media Network and Mentorque productions; “Nanahimik Ang Gabi” ng Rein entertainment productions; “Partners In Crime” ng ABS-CBN film productions; ” My Teacher” ng Ten17 at “Labyu With An Accent” ng ABS-CBN film productions.
Mapapanood ang mga nabanggit na pelikula sa lahat ng sinehan sa buong bansa simula sa araw ng Pasko, December 25, 2022 hanggang Enero 7, 2023.

November 25, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KYLIE AT ALJUR

Bukas ang aktor na si Aljur Abrenica na mag-kaayos sila ng kanyang estranged wife na si Kylie Padilla.

Ito ang inamin ng aktor sa isang panayam.

Sinabi pa ng aktor na parte na ng kanyang buhay si Kylie at nang tinanong ito kung mahal niya pa, ngunit hindi niya ito sinagot.

Sinabi ni Aljur na walang nakakaalam kung ano ang tunay na nangyari sa kanilang dalawa.

Gayunpaman kahit hiwalay na sila naka-focus pa rin

ang dalawa para sa kanilang mga anak.

Lubos namang pinasalamatan ng aktor ang fans na patuloy pa ring sumusuporta sa kanila matapos ang paghihiwalay nila ni Kylie.

Nanawagan din si Aljur na respetuhin ang kasalukuyang sitwasyon. –-mula sa panulat ni Jenn Patrolla

November 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
TAYLOR SWIFT AMAs

Itinanghal na Artist of the Year sa 2022 American Music Awards ang singer na si Taylor Swift.

Maliban sa nasabing award, naiuwi rin ng superstar singer-songwriter ang favorite music video, favorite pop album, favorite female pop artist, favorite country album at favorite country artist award.

Dahil dito, gumawa ng kasaysayan si Swift bilang kauna-unahang artist na nakasungkit ng 40 awards sa American Music Awards.

Samantala, nakakuha ng tatlong award si Beyonce na mayroong anim na nominations habang nag-uwi naman ng tig-dalawang award sina Harry Styles at Bad Bunny.

Hinirang naman ng AMAS bilang new artist of the year si Dove Cameron.

November 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BILLY CRAW

Hindi pa man nakababalik ng bansa ay mayroon nang upcoming project si Dancing with the Stars champion at aktor na si Billy Crawford.

Una nang napabalita na babalik si Billy sa bansa sa katapusan ng Nobyembre.

Bukod sa napili itong mag-host ng american-based game show na “The Wall,” ay mayroon pang isang show na naghihintay para rito sa kanyang home network. —mula sa panulat ni Hannah Oledan

November 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CRISTINE REYES AT DAVID CHUA CONCERT LANY

Spotted na sabay manood sina Cristine Reyes at David Chua sa unang gabi ng Lany concert sa Mall of Asia Arena.

Kitang-kita na nag-enjoy ang dalawa sa concert kung saan naka-puwesto pa sa VIP section kasama ang ilang kaibigan.

Ayon sa netizens, parang may something special sa pagitan nina Cristine at David.
Sinabi naman ng isang source na kasama rin nina Cristine at David ang cast ng ‘Good Will’ na ginawang teleserye ni David sa Net25.

Nagkasama ng matagal ang dalawang celebrities noong parehong nasa ABS-CBN pa sila.
Samantala, walang napapabalitang idini-date ngayon ang aktres at ilang taon nang hiwalay sa kanyang asawang si Ali Khatibi.

At single naman ngayon si David pero sa kanyang ika-33 kaarawan noong March may ‘special friend’ na kasama ang actor-director sa kanyang selebrasyon sa Tagaytay City. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

November 15, 2022 0 comment
2 Facebook Twitter Google + Pinterest