Home SHOWBIZ

SHOWBIZ

CREEL HOUSE STRANGER THINGS

Ibinibenta na sa halagang 1.5 million dollars ang “creel house” mula sa hit series na “stranger things.”

Ito ay kasalukuyang pagmamay-ari ng mag-asawang sina Shane Fatland at Bryan Schreier na pawang fans ng naturang show.

Una raw nila itong binili noong 2019 sa halagang 350,000 dollars at gumastos ng 500,000 dollars sa pagpapa-renovate nito para ma-restore at ma-renovate sa orihinal nitong “victorian glory with a modern twist.”

Ayon sa mag-asawa, kinontrata sila ng scout ng stranger things para hindi ipagsabi na sa kanila ang naturang bahay.

Nang sumikat at tangkilikin ng fans, marami ang nag-request na gawin itong inn.

Sinabi ng mag-asawa na mas gugustuhin nilang bumili ng ibang historical house kaysa magpatakbo ng isang bed and breakfast.

Nais aniya nila na tangkilikin din ito ng mga tao gaya ng pagtangkilik nila rito.

Umaasa naman ang dalawa na kung sino man ang makakabili sa creel house ay handa sa anumang pagsasaayos rito.—mula sa panulat ni Hannah Oledan

November 6, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Aaron Carter

Wala ng buhay nang matagpuan sa kanyang bahay sa Lancaster, California sa America ang dating child star at American singer na si Aaron Carter.

Ayon sa ulat, isang tao ang humingi ng tulong nang makita na wala ng buhay sa bathtub ang 34-anyos na  si Carter.

Si Aaron Carter ay kapatid ng Backstreet Boys member na si Nick Carter at maliban sa pagiging child star, naging bahagi si Carter sa sikat na children’s channel na Nickelodeon, at sumikat noong 1990’s bilang pop singer kung saan nagkaroon ng album noong siyam na taong gulang pa lamang at nakapaglabas na ng three time platinum album sa edad 13.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng awtoridad kaugnay sa insidente.—mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon

November 6, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
JU CHANG WOOK

Dumating na sa Pilipinas ang Korean Actor na si Ji Chang Wook.

Sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City dumating si Chang-Wook para sa fan meeting nito sa mga bansa sa asya kabilang ang Pilipinas, na may temang ‘reach you’ na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena.

Siya ay kilala sa ilang Korean drama gaya ng the K2, Healer, The Sound of Magic, Smile Again, Melting Me Softly at iba pa.

Noong 2020 pa dapat dumating sa Pilipinas ang aktor pero napurnada dahil sa COVID-19 pandemic.

Maliban sa Korean star, magdaraos din ng fan meeting sa bansa ngayong November 11 ang Squid Game star na si Jung Ho-Yeon.

November 4, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Isinapubliko na ng showbiz couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang mukha ng kanilang anak na si Baby Dylan.

Sa instagram post ng 2 , ibinahagi nila ang kanilang hershey kisses para sa halloween costumes.

Sa kanilang caption, nakalagay pa na happy chocolatey halloween.

Samantala, ilang mga kaibigan naman nila sa showbiz industry ang natuwa sa kanilang mga post.

Kabilang na dito sina, Marian Rivera, Pauleen Luna, Iya Villania, Andrea Torres, Gina Alajar, Jc Tiuseco, Alfred at marami pang iba.

November 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KATHNIEL

Going strong pa rin ang celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo o mas kilala bilang ‘Kathniel.’

Sa instagram post ni Kath, ibinahagi nito ang mga larawan niya kasama si DJ sa Palawan, kung saan dumalo ang dalawa sa opening event ng bagong business venture ni Kath katuwang ang aktor na si Piolo Pascual.

Tila ‘unbothered’ ang dalawa sa umugong na isyu na hiwalay na sila matapos ang media conference ng “2 Good 2 Be True.”

Matatandaang tinanong ang couple kaugnay sa loyalty kung saan, sinabi ni Kath na ang loyalty ay pagiging kontento at para kay Daniel ang pinaka-loyal ay ang kaniyang alagang aso na si summer.

Noong Mayo lamang nang ipagdiwang ng Kathniel ang kanilang ika-sampung anibersaryo bilang couple kung saan nagtungo sila sa Thailand.

Sa ngayon ay nasa Japan ang dalawa kasama ang kanilang kaibigan na sina Ria Atayde, Joshua Garcia at Zanjoe Marudo.

November 1, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KATHNIEL

Pinabulaanan ng aktres at host na si Karla Estrada ang mga espekulasyon na naghiwalay na ang anak niyang si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Matapos ito na hindi palampasin ni Estrada ang isang komento sa kaniyang instagram na nagtatanong kung totoo ba ang usap-usapan sa mga social media na break na ang “Kathniel” sa showbiz industry.
Sinabi ni Estrada na “walang katotohanan” ang mga kumakalat na post na hiwalay na umano sina Kathryn at Daniel.
Mababatid na nagsimula ang mga usap-usapan sa relasyon nang dalawa ng tanungin sila ukol sa loyalty sa ginanap na media conference ng seryeng “2 Good 2 Be True.”

October 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SUNSHINE CRUZ

Kumalat ang tsismis sa YouTube na buntis umano ang aktres na si Sunshine Cruz sa pang-apat na anak nila ng kanyang ex-husband na si Cesar Montano.

Ibinahagi ng aktres na may mga nagco-congratulate sa kanya dahil ‘di umano’y pagbubuntis at pagpapakasal sa aktor.

Sinabi ng aktres, pinadalhan siya ng ilang video tungkol sa kumakalat na pekeng balita kaya naman ito’y nagtaka dahil may mga bumabati.

Ni-reshare ni Sunshine ang mga nasabing video sa kanyang personal account at pinabulaaan ang mga kumakalat na balita.

Itinanggi ng aktres na walang katotohanang buntis at magpapakasal sa kanyang ex-husband. –mula sa panulat ni Jenn Patrolla

October 25, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Older Posts