Home NEWS

NEWS

Senate Impeachment Court

Malinaw na para sa House Prosecution Team ang usapin sa voting threshold o kinakailangang bilang ng boto para sa conviction matapos ang naging ruling ng Senate Impeachment Court sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa press conference, ikinatuwa ni House Lead Prosecutor Gerville Luistro ang naging aksyon ng senator-judges na itakda ang voting threshold batay sa kanilang interpretasyon ng constitutional mandate.

Ayon kay Luistro, may “exclusive power” o kapangyarihan ang Senado na magpasya sa mga usapin kaugnay ng impeachment case, upang mas plantsado ang kinakailangang boto para sa conviction.

Aniya, natapos na ang debate sa tanong kung ilang boto ang kailangan para sa conviction o acquittal.

Iginiit ni Luistro na malinaw ang desisyon ng senator-judges matapos makakuha ng 13 na botong pabor, isa ang kontra, at anim naman ang hindi lumahok sa pagpapatibay ng voting threshold batay sa mga senador na dumadalo sa impeachment trial.

Una nang inimbitahan ng senator-judges ang mga “amici curiae” upang hingan ng legal na pananaw at karanasan kaugnay ng kinakailangang bilang ng boto para sa conviction. | mula sa panulat ni Geli Mendez

September 24, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PETROLYO FUEL SUBSIDY

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Energy o DOE sa Department of Transportation o DOTr kaugnay ng posibleng dagdag sa kasalukuyang P12 per liter fuel subsidy para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Sa ambush interview kaugnay sa 2027 budget ng DOE sa Kamara, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin, hindi pa niya makumpirma kung itataas o palalawakin ang subsidiya dahil ang DOTr ang namamahala sa transport sector.

Aniya, nagbibigay lamang ang DOE ng payo at regular update sa presyo ng langis maging ang monitoring sa ipinatutupad na presyo sa mga gasolinahan.

Paliwanag ni Garin, kailangang munang matukoy kung ilan ang makikinabang at magkano ang kakailanganing pondo bago pagdesisyunan ang anumang pagbabago.

Samantala, wala pa ring tiyak na projection ang DOE sa posibleng rollback sa susunod na linggo dahil nakabatay ito sa limang araw na galaw ng world oil prices. | mula sa panulat ni Geli Mendez

September 24, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SIGNAL TELCOS CONNECTION

Pinalalakas pa ng Globe Telecom ang mga digital service at artificial intelligence o AI solutions nito para matulungan ang mga negosyong Pilipino na nais magpalawak sa Southeast Asia. May kaugnayan ito sa lumalaking digital economy sa ASEAN at sa pagtatapos ng negosasyon para sa ASEAN Digital Economy Framework Agreement o DEFA noong Mayo 2026. Layunin ng DEFA na palawakin ang digital trade at pagdaloy ng data sa pagitan ng mga bansa, gayundin ang paggamit ng electronic payments, cybersecurity at mga bagong teknolohiya. Sa unang kalahati ng 2026, naglaan ang Globe ng ₱26.3 bilyon para sa capital expenditures. Tinatayang 91 porsiyento nito ay napunta sa mga proyektong may kinalaman sa data para mapalawak ang network capacity at mapahusay ang serbisyo.

Umabot naman sa ₱11 bilyon ang Corporate Data revenue ng Globe sa unang anim na buwan ng taon. Mas mataas ito ng 15 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong 2025. Ayon kay Globe President at CEO Carl Cruz, mas malaking merkado ang maaaring maabot ng mga negosyong Pilipino habang mas nagiging konektado ang mga bansa sa ASEAN. Kabilang sa mga pinalalakas ng kumpanya ang connectivity, cloud, cybersecurity, data at AI. Nakikipagtulungan din ang Globe sa mga regional telecom operators, technology companies at startups para mabigyan ang mga negosyo ng mas maraming digital services at teknolohiya.

Mahigit 260 AI use cases na rin ang ginagamit o ginagawa ng Globe. Kabilang dito ang mga gamit para sa customer service, network management at pagbuo ng mga bagong produkto at serbisyo. Kasabay nito, ina-upgrade ng kumpanya ang transport network, dinaragdagan ang fiber infrastructure at pinapalakas ang network resiliency para makayanan ang patuloy na pagtaas ng paggamit ng AI applications, cloud platforms at connected devices. Sinabi ng Globe na bahagi ng mga hakbang na ito ang paghahanda sa mga negosyo sa mas malawak na paggamit ng AI at iba pang digital technologies habang patuloy na lumalaki ang digital economy sa ASEAN.

September 24, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAMA 4PS DSWD

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na magiging fully functional bago matapos ang taon ang bagong digital system para sa mas mabilis na pag-monitor sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ito ang sinabi ni Appropriations Vice Chair JC Nava, matapos ang pag-usisa ni Philreca Party-list Rep. Presley De Jesus sa deliberasyon ng Kamara para sa 2027 national budget.

Ayon kay Nava, magbibigay ang bagong sistema ng real-time tracking sa status ng mga benepisyaryo.

Layunin nitong mapabilis ang pag-update sa listahan ng mga pamilyang nakaabot na sa self-sufficiency at dapat nang matanggal sa programa.

Kasunod ito ng pag-flag ng COA sa mga overpayment sa ilang benepisyaryo dahil sa delay sa pag-update ng kanilang status.

Sa pamamagitan ng digitalization, inaasahang bibilis ang palitan at integration ng datos at mababawasan ang anumang pagkakamali. | mula sa panulat ni Geli Mendez

September 24, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KAMARA

Tinapos na ng Kamara ang plenary deliberations sa panukalang P10.156-billion 2027 budget ng Office of the President o O.P.

Sa deliberasyon ng pambansang pondo, naging mainit ang talakayan matapos ungkatin ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang mga isyu laban sa Local Government Support Fund o LGSF, Confidential at Intelligence Funds o CIF, at ang flood control scandal.

Kinuwestyon din ni Tinio ang paraan ng paggawad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng LGSF kay Naga City Mayor Leni Robredo at sa iba pang lokal na pamahalaan.

Bilang tugon, sinabi ni House Appropriations Senior Vice Chairman Albert Garcia, na ang LGSF ay ipinatutupad batay sa mga guideline ng General Appropriations Act o GAA at ipinatutupad lamang ng ehekutibo batay sa itinakdang guidelines.

Sinabi rin ni Garcia na ginagamit ang CIF para sa kaligtasan at seguridad, kabilang ang pag-aresto kay Alice Guo at paglansag sa mga illegal POGO at scam.

Humingi naman si Tinio ng kopya ng report at breakdown ng CIF, at iginiit na dapat managot ang mga sangkot sa flood control scandal, kabilang si Pangulong Marcos.

Sinabi ni Garcia, na may nagpapatuloy nang imbestigasyon gaya ng Ombudsman, DOJ, at iba pa kung saan, marami na ring nakakulong kabilang na sina dating House Speaker Martin Romualdez at Sen. Jinggoy Estrada.

Samantala, terminated na rin ang deliberasyon sa budget ng Presidential Communications Office at Presidential Management Staff.  | mula sa panulat ni Geli Mendez

September 24, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

 

Nananawagan ng transparency at malinaw na paliwanag mula sa Cooperative Development Authority (CDA) ang ilang miyembro ng Dolefil Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative (DARBC) kaugnay ng writ of execution na inilabas nito noong February 24, 2026.

Ayon kay Oscar Serohijos, isang Agrarian Reform Beneficiary, pioneering member ng DARBC at dating rank-and-file labor union official, nais lamang nilang malaman ang kasalukuyang status at saklaw ng nasabing writ.

“We respectfully ask the CDA to identify and explain the precise legal effect of the pending injunction and to implement only those portions of its final directives that are not suspended or prohibited by a valid court order,” ani Serohijos makaraaang dumulog sa programang “BARANGAY 882” ni Gilbert Perdez sa DWIZ 882 AT ALIW 23, kasama ang iba pang ARBs na sina Roland Donasco at Jose Teruel.

Kaugnay nito, sinasabing nakabinbin sa CA Special Twenty-Third Division ang hiwalay na usapin na may kaugnayan sa CDA proceedings at sa temporary injunctive relief na ipinagkaloob sa isang resolusyon noong June 24, 2026.

Iginiit ng grupo na hindi nila layuning pangunahan ang appellate court o akusahan ng kriminal na pananagutan ang sinumang director ng kooperatiba.

Hinihiling lamang umano nila sa CDA na malinaw na tukuyin kung sino at anong mga aksyon ang saklaw ng umiiral na court order at kung aling bahagi ng writ ang maaari pang ipatupad.

Samantala, sinabi ni Serohijos na handa silang igalang ang anumang balidong kautusan ng korte habang hinihintay ang paglilinaw sa legal na epekto nito sa writ of execution.

Aniya, ang kanilang panawagan ay nakatuon umano sa transparency, due process, at proteksyon sa karapatan ng mga ordinaryong miyembro ng DARBC.

September 20, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Messenger_creation_4B2C05C3-E33B-40DF-AECE-357AFCDDBED1

Muling umarangkada sa larangan ng sabong si veteran broadcast journalist Ka Rex Cayanong matapos nitong masungkit ang dalawang kampeonato sa magkahiwalay na 6-Stag Derbies noong Huwebes, Setyembre 17.

Gamit ang entry name na “Ka Rex 6-Stag Nov. 15 SPC,” nagkampeon si Cayanong sa 6-Stag Derby ni Budjit Aguilar na ginanap sa New Zapote Cockpit. Nagtala ito ng 5 1/2 puntos para maiuwi ang titulo.

Hindi rin nagpahuli ang kampo ni Cayanong sa Pasay Cockpit kung saan nasungkit din nito ang kampeonato sa 6-Stag Derby na pinangunahan ng two-time World Slasher Champion na si Honey Yu. Nakipagtambalan naman si Cayanong kay Carlo Dizon sa nasabing palaban at nakapagtala sila ng limang puntos.

Dahil dito, umabot na sa pitong kampeonato ngayong 2026 ang naitala ni Cayanong.

Kabilang sa mga nauna niyang panalo ang laban noong Hunyo 19 sa Del Monte Cockpit na pinangunahan ni Ed Monreal, gayundin ang kanyang pag-arangkada sa Cavite Coliseum sa palaban ni Biboy Enriquez kung saan nakakuha siya ng limang puntos gamit ang entry name na Ka Rex Cayanong/Anteng Bullecer.

Muling nagpakitang-gilas si Cayanong sa Pasay noong Setyembre 1 sa isang 5-Stag Derby, dagdag sa sunod-sunod niyang kampanya ngayong taon.

Samantala, nakatakda namang sumabak si Cayanong sa Sabong On Air 6-Stag Derby (National Banded) sa San Pedro Coliseum sa Nobyembre 15.

Nakataya rito ang ₱600,000 guaranteed prize, kung saan ₱300,000 ang nakalaan sa kampeon.

September 20, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
September 14- Maynilad offers desludging services this September

MANILA — Nag-aalok ang Maynilad Water Services, Inc. ng libreng septic tank cleaning o desludging service ngayong Setyembre para sa mga kwalipikadong residential at semi-business customers sa piling barangay sa Metro Manila at Cavite.

Kabilang dito ang ilang lugar sa Caloocan, Las Piñas, Maynila, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Quezon City, Valenzuela, Bacoor at Imus.

Karaniwang umaabot sa ₱4,700 kada truck ang halaga ng serbisyo. Maaaring tumawag sa Maynilad Hotline 1626 para malaman ang requirements at proseso ng pag-avail.

September 17, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMPEACHMENT TRIAL VP SARA

Binigyang-diin ni House Trial Spokesperson Renee Co na hindi dapat isama sa voting threshold ang mga senador na hindi nakakadalo o nakikilahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Co, hindi makatarungang isama sa bilang ang mga absent na senador at walang ambag sa paglilitis.

Sang-ayon din si Co sa mga ibinahagi ng mga “amici curiae” o friends of the court, partikular sina dating Supreme Court Chief Justices Hilario Davide Jr., Artemio Panganiban, at Reynato Puno, na nagbigay ng malinaw na paliwanag at gabay sa usapin ng two-thirds voting requirements tungo sa maayos na paglutas sa kabuuang bilang ng boto para sa conviction.

Kaugnay nito, nanawagan si Co sa publiko na bantayan ang oral arguments at botohan ng Senate Impeachment Court sa usapin ng voting threshold. | mula sa panulat ni Geli Mendez

September 16, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
baste

Hiniling ng House Prosecution Panel sa Senate Impeachment Court na ipasubpoena si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte para magsilbing witness stand sa impeachment trial laban sa kaniyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Trial Spokesperson Zia Alonto Adiong, inihahanda na ng prosecution ang mga karagdagang ebidensya kaugnay sa GenCorp., isang kumpaniyang nakalista sa mga idineklarang business interests ng Bise Presidente.

Paliwanag ni Adiong, hindi dapat tingnan ang pag-imbita sa alkalde bilang testigo dahil lamang sa pagiging kapatid ng Bise Presidente kundi dahil mayroon itong personal at opisyal na kaalaman tungkol sa mga usaping bahagi ng presentasyon ng prosecution sa Article II.

Nabatid na si VP Sara mismo ang nagdeklara sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN na mayroon siyang interes sa naturang kumpanya.

Matatandaang natuklasan sa mga pagdinig ng komite sa Kamara na nakakuha ang GenCorp ng milyun-milyong pisong food at catering contracts mula sa Davao City Government na nakatanggap ng tinatayang P14.32 million mula 2022 hanggang 2025.

Target namang isulong ng prosecution sa Senate Impeachment Court na gawing hostile witness si Mayor Baste Duterte.

Bukod sa alkalde, inaasahan ding haharap sa susunod na linggo ang SEC official na si Gerardo Del Rosario para magbigay ng testimonya sa mga record na may kaugnayan sa business interest ng Bise Presidente. | mula sa panulat ni Geli Mendez

September 16, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest