Home HEALTH

HEALTH

nanunuyo at nagbabalat labi

Madalas bang nanunuyo at nagbabalat ang iyong labi?

Ito ay maaaring sanhi ng malamig o masyadong mainit na panahon, madalas na pagdila ng iyong labi, o paglalagay ng lip products na may hindi magandang ingredient.

Upang ito ay maibsan, gumamit ng non-irritating lipbalm na mayroong eucalyptus, lanolin, menthol, castor seed oil shea butter, sun-protective ingredients tulad ng titanium oxide o zinc oxide at white petroleum jelly na nakakatulong na gamutin ang iyong chapped lips.

Nakakatulong din ang pag-inom ng tubig upang ma-hydrate ang ating labi.

Iwasan din ang lip licking, biting o picking na sanhi ng paglala ng aing dry lips.

January 19, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
TANGLAD

 Alam niyo bang may taglay na benepisyo ang tanglad?

Ito ay hindi lamang ginagamit upang mapabango o mawala ang lasa ng isang lutuin.

Nagtataglay rin ito ng iba’t ibang benepisyo na mapapakinabangan ng tao.

Ayon sa mga eksperto, epektibong panunaw ang tanglad; may taglay din itong anti-depressant; gamot sa sumasakit na ngipin; at marami pang iba.

Sagana rin ang tanglad sa iba’t ibang nutrisyon tulad ng bitamina, mineral gaya ng folate, magnesium, zinc phosphorus, potassium at vitamin A at C. –  Sa panualt ni John Riz Calata

January 19, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
WHITE BEANS

 Alam niyo bang maraming benepisyo ang white beans?

Ito’y naglalaman ng iba’t ibang bitamina at mineral para sa katawan kabilang na rito ang potassium, calcium, at magnesium.

Nakatutulong din ito sa pagbaba ng timbang at pinipigilan nito ang pagsipsip ng carbohydrates sa katawan.

Naglalaman din ito ng 20% na protina at pinabubuti ang kalusugan ng puso.

Binabawasan din nito ang kolesterol sa dugo. –  Sa panulat ni John Riz Calata

January 12, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
TB pinoy

Tinatayang nasa 100 na Pilipino ang namamatay sa tuberculosis kada araw.

Batay ito sa Global Tuberculosis Report 2024 ng World Health Organization.

Ayon pa sa ulat, nananatiling kabilang ang Pilipinas sa walong mga bansa na may pinakamataas na kaso ng TB, na may 739,000 na kasong naitatala kada taon.

Kaugnay nito, sinabi ng Department of Health na nagpapatuloy ang mga ginagawa nilang developments para sa early screening, treatment, prevention, health system support, gayundin ang information dissemination.

Ilan sa mga karaniwang sintomas ng tuberculosis ang matagal na ubo, pagbaba ng timbang, pananakit ng dibdib, pagkapagod, at lagnat. - sa panulat ni Hya Ludivico

November 30, 2024 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
GULAYAN 3

Mahilig ka bang kumain ngunit pursigido ka rin namang magpapayat?

Nako, mahirap-hirap na laban iyan kaya naman narito ang ilang pagkain na maaari mong kainin nang wan-tu-sawa!

Kilala na bilang masustansya at kaakibat sa pagdi-diyeta ang gulay lalo na kapag fresh na kakainin.

Maaari mo itong gawing salad o di kaya ay lutong bahay tulad ng chopseuy at pinakbet. Habang mabilis na nakakabusog ang patatas, kalabasa, at kamote na ginagawa ring substitute sa kanin ng mga nagda-diet.

Maaari ka ring kumain ng prutas ngunit limitahin lamang sa 1 and a half cup kada araw dahil malakas ito sa sugar at fiber.

Maaari mo rin itong gawing fruit salad kung saan pagsasamahin ang strawberries, blueberries, watermelon at grapes.

Pwede rin ang steamed fish at iba pang seafood options o karne para sa iyong protein sources.

July 16, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CRAB MEAT

Dahil sumisikat ngayon sa Tiktok ang crab paste na masarap pang ulam sa mainit na kanin, alamin natin ang benepisyo ng pagkain ng crab meat sa katawan.

 Ang crab meat ay mainam na source ng protein at mayaman din ito sa vitamins and minerals na nakapagpapalakas ng ating katawan.

 Sagana rin ito Omega-3 polyunsaturated acids at mababa ang fat content kaya’t maganda ito sa mga nagda-diet lalo na sa mga taong chini-check ang kanilang calorie content.

 Bukod pa rito, pinoprotektahan din nito ang puso laban sa mga heart disease.

 Bagamat sagana ito sa mga bitamina at benepisyo sa katawan, tandaan ang lahat ng sobra ay nakakasama sa katawan kaya’t hinay-hinay lang sa pagkain ng crab meat at crab paste.

June 25, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
pork liver

Alam niyo ba na hindi lang basta masarap na ulam o pampulutan ang pork liver. Marami rin itong benepisyo para sa ating katawan.

Kung ihahambing sa ibang bahagi ng baboy, tulad ng pork belly kung saan kinukuha ang bacon, may malaking pagkakaiba sa nutritional benefits. Ang atay ng baboy ay may mas kaunting taba at mas maraming vitamin B, D, vitamin A, vitamin K, at selenium kaysa sa anumang iba pang hiwa ng baboy.

Ang atay ng baboy ay mayaman sa protina, puno ng mga bitamina, at medyo mataas sa taba, na ang karamihan sa taba na iyon ay unsaturated.

Ilan sa mga benepisyo nito sa katawan ay:

  • Boosts the immune system
  • Pinoprotektahan ang katawan laban sa fatigue
  • Supports the brain function
  • Pinipigilan at ginagamot ang anemia
  • Maraming taglay na antioxidants
  • Pinagaganda at pinaaayos ang thyroid metabolism
June 17, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SAMGYUP

Mahilig ka ba sa mga steak o di kaya ay samgyupsal?

Bagamat ito ay masasarap na kainin, siksik sa benepisyo tulad ng Protein, Iron, vitamin B12, Zinc, at iba pang mahalagang nutrisyon ay mahalagang malaman ang mga maaaring pagmulan ng sakit dahil sa madalas na pagkain nito.

Ito ay maaari rin pagmulan ng iba’t ibang sakit tulad ng heart diseases at cancer.

Isa sa mga dahilan kung bakit ang mga unprocessed meat ay maaaring mas nauugnay sa panganib ng heart disease ay ang mataas na salt content. Ito rin ay naiugnay sa high blood pressure.

Ipinapakita rin ng mga pag-aaral na ang parehong processed at unprocessed red meat consumption ay nauugnay sa isang mas mataas na panganib ng ilang mga uri ng kanser, lalo na ang mga colorectal at breast cancer.

June 11, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
COCKTAILS

Maaari bang maging parte ng healthy lifestyle ang pag-inom ng alcoholic drinks?

Bagamat may masamang epekto ang alak sa katawan, may iilan pa rin na hindi maiiwasang uminom nito.

Para mapanatili pa rin ang inyong healthy lifestyle, narito ang mga drinks o cocktails na maaari mong inumin:

  • Dry wine (red or white) ay maganda para sa puso, nababawasan nito ang risk sa depression at nilalabanan din nito ang cancer.

Para sa low-sugar drinks, maaari mong inumin ang

  • Manhattan
  • Horse neck
  • Negroni
  • Sparkling mango and spice

Ang wine spritzer naman ay gluten free, low sugar, low calorie, low carb at caffeine free na talagang swak na swak para sa mga nagbabawas at nagmomonitor ng kanilang timbang.

Ang craft beer naman ay antioxidant rich, maganda para sa ating gut health at caffeine free.

At ang maituturing na pinaka healthy sa lahat, ang bloody mary.

Ito ay dahil ang pagdaragdag ng tomato at lemon juice sa vodka na may worcestershire sauce at tabasco ay naglalaman ng benepisyo sa kalusugan.

Ito ay mayroong potassium, sodium at vitamin C pati na rin ang heart-friendly antioxidant at lycopene.

June 4, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
wisdom tooth

Katatapos lang bang bunutin ang wisdom tooth mo? Narito ang ilang tips para maibsan ang pananakit na dala nito.

Matapos bunutin ang iyong wisdom tooth, hindi maiiwasan ang sobrang pagdurugo nito ngunit subukang iwasan ang labis na pagdura upang hindi maalis ang namuong dugo mula sa socket.

Mainam din na regular na palitan ang gauze sa lugar ng pagkuha ayon sa direksyon ng iyong dentista o oral surgeon.

Maaari kang uminom ng gamot upang mabawasan ang pananakit gamit ang isang over-the-counter pain reliever, gaya ng Acetaminophen, Tylenol, iba pa.

Hindi mo rin maiiwasan na magkapasa sa palibot ng iyong pisngi dala ng maaaring trauma na naranasan ng iyong gums.

Sakaling ito ay mangyari, gumamit ng ice pack ayon sa direksyon ng iyong dentista o surgeon.

June 3, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest