Home HEALTH

HEALTH

tomato

Bagamat may mga ready-made juice na mabibili sa iba’t ibang pamilihan ay hindi pa rin masisiguro ang pagka-healthy nito dahil ito ay na-process na at maaaring nahaluan na ng kemikal.

Ngunit alam mo ba na maaari mo pa ring ma-enjoy ang pag-inom ng fruit juices nang hindi isinasa-alang-alang ang iyong kalusugan?

Maaari ka pa ring uminom ng mga mas healthy version nito tulad na lamang ng mga fresh juice.

Isa na rito ang cranberry juice na likas sa protein, fiber, sugar. Potassium, vitamins C, E at K at nakakatulong upang mabawasan ang risk ng pagkakaroon ng UTI.

Pangalawa, ang tomato juice na hindi lamang pangunahing sangkap sa paggawa ng bloody mary kundi mainam rin bilang iron absorption at napapaganda pa nito ang ating balat, immune health, at puso.

Syempre, hindi papahuli ang apple juice na pinaka sikat sa lahat ng fresh juice.

Ito ay magandang source ng potassium na nagsisilbing electrolyte at lubos na importante para sa nerve signaling at heart health.

June 3, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
lips

Madalas bang nanunuyo at nagbabalat ang iyong labi?

Ito ay maaaring sanhi ng malamig o masyadong mainit na panahon, madalas na pagdila ng iyong labi, o paglalagay ng lip products na may hindi magandang ingredient.

Upang ito ay maibsan, gumamit ng non-irritating lipbalm na mayroong eucalyptus, lanolin, menthol, castor seed oil shea butter, sun-protective ingredients tulad ng titanium oxide o zinc oxide at white petroleum jelly na nakakatulong na gamutin ang iyong chapped lips.

Nakakatulong din ang pag-inom ng tubig upang ma-hydrate ang ating labi.

Iwasan din ang lip licking, biting o picking na sanhi ng paglala ng aing dry lips.

May 27, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
hiking

Alam mo ba na hindi lang magandang excuse para magpapawis at mag-unwind ang pagha-hiking?

Ang hiking ay napatunayang may maraming benepisyo sa kalusugan, mula sa pisikal na ehersisyo na nakukuha kapag nasa trail, hanggang sa emotional o mental relief na nagmumula sa kalikasan.

Kabilang sa physical benefits ng hiking ay:

  • Pagkakaroon ng malakas na buto at muscles
  • Pagpapabuti ng sense of balance at heart health
  • Pagbabawas ng panganib ng respiratory problem

Kabilang naman sa mental effects nito ang:

  • Binabawasan ang stress,
  • Pinapakalma ang pagkabalisa,
  • Mas mababang panganib ng depresyon

Samantala, kabilang sa iba pang benepisyo nito ang pagpapabawas ng timbang, mas maayos na pagso-socialize at pagbabawas sa panganib na dala ng diabetes.

May 27, 2023 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
FORGETFULLNESS

Ikaw ba’y nagiging malilimutin? Narito ang ilang pagkaing maaari mong kainin upang mas tumalas pa ang iyong isipan.

Unang-una sa listahan ang mani dahil sa taglay nitong vitamin E at good fats.

Nakatutulong din ang matatabang isda dahil sa Omega-3 fatty acids na nakakatulong upang mas mapaganda ang daloy ng dugo sa ating utak.

Ito ay matatagpuan sa taba ng bangus pero hindi lang bangus ang isda na nagtataglay ng Omega-3. Makikita rin ito sa tuna, tilapia, salmon, sardinas, at tamban.

Mainam din ang pagkain ng itlog dahil mayaman ito sa choline na kailangan lalo na ng mga bata para sa paglinang ng utak at memorya. Kaya hindi totoo na mabobokya ka sa exam kapag kumain ka nito.

May 21, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
iq

Nito lamang nakaraan ay napag-alaman na isa ang Pilipinas sa may mabababang IQ.

Bagamat ito ay sanhi ng genetic diseases, head trauma at pagiging exposed sa mga kemikal tulad ng lead at mercury, ay maaari naman itong ma-boost sa pamamagitan ng pagkain ng mga sumusunod:

Nakakatulong ang kape upang i-block ang isang chemical sa ating utak na nagdudulot ng pagka-antok at tumutulong ito para magkaroon ng sharp concentration na nakakatulong tuwing nag-aaral o nagtatrabaho ang isang tao.

Ang isda naman ay mayaman sa heart-healthy omega-3 fatty acids at DHA na importante para sa pang-araw araw na function ng ating neurons, na siyang nakakatulong sa ating brain activity.

Ang pagkain ng green, leafy vegetables naman ay napatunayang nakakapagpabagal sa pagkakaroon ng decline sa cognitive ng isang tao.

Nakakatulong din upang ma-boost ang ating IQ level sa pamamagitan ng pagkain ng mani, avocado at berries.

May 20, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
grapes

Ang ubas ay hindi lang masarap na snack, juice o wine.

Ito ay siksik sa nutrisyon, mga benepisyo at antioxidant contents.

Mayaman din itong source ng copper na essential para sa energy production at vitamin K o potassium na mahalaga naman para sa blood clotting at matitibay na buto.

Nakapagpapababa rin ng blood pressure ang ubas dahil sa taglay nitong potassium.

Ang antioxidant contents nito ay nakatutulong din para protektahan ang mga tao laban sa ilang uri ng cancer. - Sa panunulat ni Hannah Oledan

May 13, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BROWN RICE

Ang brown rice o kilala bilang “unpolished rice”ay isang white rice na hindi dumaan sa polishing at hindi tinanggalan ng bran at germ layer.

Alam niyo ba na ang bran at germ layers ng bigas ay siksik sa nutrients at minerals na nakakabuti sa ating kalusugan?

Ang brown rice ay may taglay na vitamin B, vitamin H, tocopherol, isang natural antioxidant, fiber at biologically active enzymes.

nakakatulong ang pagkain ng brown rice para mapataas ang sirkulasyon ng dugo, mapapababa ang kolesterol at maiwasan ang pagkakaroon ng stroke at heart disease.

Naaangkop ring kainin ng mga diabetic ang brown rice para mapanatili ang tamang antas ng glucose.

January 23, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
EYE FATIGUE

Madalas mo ba nararamdaman ang pagkapagod sa mata?

Ang pagod, pangangati at burning sensation sa mata ay maaaring dahil nakararanas ka na ng eye fatigue.

Ito ay karaniwang nakukuha kapag nao-over use ang ating mga mata dahil sa pagbabasa, pagsusulat, pagda-drive at sobrang pagtutok sa gadget screen lalo na kapag madilim ang paligid.

Ilan sa mga sintomas nito ay ang:

-Sore o irritated eyes
-Trouble focusing
-Dry O watery eyes
-Malabong paningin O double vision
-Increased sensitivity to light
-Pananakit ng leeg, balikat o likuran

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng eye fatigue ugaliin ang mga sumusunod:

-Iwasan ang pagtutok sa gadget habang madilim ang paligid
-Ipahinga ang mata kada 20 minuto
-Kumain ng masusustansyang pagkain na mayaman sa Omega-3 fatty acids, Lutein, Zinc, at Vitamins C at E
-Iwasan ang paninigarilyo upang maiwasan ang pagkakaroon ng katarata.

January 21, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MANI PEANUT

May mga pagkain na posibleng makatulong sa pagiging healthy ng ating katawan, kabilang ang utak.

At alam n’yo ba na kasama sa mga tinaguriang “brain foods” ang mani?

Paliwanag ng mga eksperto, ang mani ay may taglay na Vitamin E at good fats.

Ayon sa mga pag-aaral, kapag mataas ang antas o level ng Vitamin E sa ating katawan, mas tumatalas ang ating pag-iisip.

Tunay na may benepisyo ang mani para sa memorya kaya mainam daw na kumain ng nilagang mani, kasoy at walnuts.

Samantala, ipinapayo naman ang pag-iwas sa pritong mani, lalo kapag maraming asin.

January 17, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SALMON

Alam niyo ba na nakahanay ang salmon bilang isa sa mga masustansiyang pagkain?

Ang salmon ay nakakatulong sa kalusugan na malabanan ang pagkakaroon ng sakit na Asthma.

Maaari rin mabawasan ang panganib sa pagkakaroon ng malalang sakit tulad ng Diabetes, Arthritis at Alzheimers disease.

Bukod dito, nakakaiwas din ito sa pagkakaroon ng malalang sakit tulad ng pagkakaroon ng ilang uri ng Kanser.

Ayon sa mga eksperto, ang Salmon ay nagtataglay ng mga bitamina at mineral ngunit hindi ito alternatibong gamot sa anumang uri ng sakit. —sa panulat ni Hannah Oledan

January 14, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest