Home HEALTH

HEALTH

cats

Halos kasama sa pang-araw-araw na pagkain ng bawat pilipino ay ang sili.

Ayon sa mga eksperto, maraming benepisyong pangkalusugan na makukuha sa nasabing gulay.

Sinasabing ang sili ay nagtataglay ng bitamina a, c at e, folic acid at potassium.

Maaari rin itong makatulong sa pagpapababa ng blood pressure at sa pag-iwas din sa ilang uri ng kanser.

January 10, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BABY

Alam niyo ba na posibleng planuhin kung lalaki o babae ang magiging anak?

Ayon sa eksperto, mabilis ang langoy ng mga semilya ng lalaki kung saan nabubuhay ito sa isang araw habang mabagal naman ang egg cell ng babae na tumatagal ng tatlong araw.

Gamit ang kaalamang ito, maaring subukan ng mag-asawa na magtalik sa loob ng dalawa o tatlong araw bago mahinog ang egg cell ng babae, sa ganitong panahon, namamatay na ang mga semilya ng lalaki kaya babae ang posibleng maging anak.

Kung itataon naman ito sa pagtatalik sa araw na hinog ang egg cell, poibleng lalaki ang magiging anak dahil sa mabilis na pagkilos ng semilya ng lalaki.

Gayunpaman, nakasalalay pa rin sa kalooban ng Diyos kung babae o lalaki ang ipagkakaloob na anak sa mag-asawa. —sa panulat ni Jenn Patrolla

January 8, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Stress

Maraming Pilipino ang nakararanas ngayon ng pagka-stress dahil sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay partikular na sa mga edad 17 pataas.

Ayon sa mga eksperto, nagkakaroon ng epekto sa kalusugan ang mga nai-stress kabilang na dito ang pagkalagas ng buhok, pagkakaroon ng sakit sa puso, ulcer at pananakit ng katawan.

Huwag nang mag-alala dahil mayroon nang solusyon upang maiwasan ang pagkastress na nararanasan ng isang tao.

Narito ang ilang mga healthy tips:

  • mag-stretching o ang tamang pag-ehersisyo at paglalakad.
  • kumausap ng positibong tao.
  • huwag magpanic o mag-isip ng negatibong bagay
  • panatilihin ang pagrerelax sa sarili.
  • iwasan ang mga bisyo gaya ng sigarilyo, alak at iba pa.
  • makinig ng music at magpahinga.
  • kumain din ng sapat na pagkain o subukan ang mediterranean diet.
December 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Matapos ang paggunita ng kapaskuhan, marami sa atin ang nadagdagan muli ng timbang.

Ano kaya ang dapat gawin upang mabawasan ang timbang o magpapayat.

Tulad na lamang ng kumain ng dalawang itlog sa almusal, uminom ng kape, mag-excercise para ma-kontrol ang kalusugan at higit sa lahat kumain ng pagkaing may balanseng bilang ng protina, taba at gulay.

Kasabay nito, siguraduhing magwarm-up o magbuhat ng magagaan dahil ito mas mabilis na paraan upang mabawasan ng calories at mapabilis ang metabolism.

Kaya ano pang hinihintay niyo? Diet! Diet na ulit! - sa panunulat ni Jenn Patrolla 

December 25, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Matapos nating ipagdiwang ang christmas kagabi, alam pa rin kaya natin ang sintomas ng high blood o hypertension?

Ang hypertension ay madalas na tahimik na kondisyon o karamihan satin ay hindi nakakaranas ng mga sintomas.

Ngunit, ang kadalasan na sintomas nito ay ang;

  • Sakit ng ulo
  • Kinakapos na paghinga
  • Pagkahilo
  • Dugo sa ihi
  • Pananakit ng dibdib
  • Nosebleed o pagdurugo ng ilong
  • Namumula

Ayon naman sa isang eksperto, ang mabisang gamot sa high blood pressure ay ang amlodipine kung saan kaya nitong magpababa ng presyon sa loob ng bente kwatro oras ngunit mas magandang magpa-konsulta sa doktor. - sa panunulat ni Jenn Patrolla 

December 25, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DURIAN

Sa kabila ng mabaho nitong amoy, ay mayaman naman ito sa mga nutrisyon at benepisyo.

Nakatutulong ang Durian sa pag re-regulate ng blood pressure ng mga tao dahil ito ay isang dietary source ng potassium, isang electrolyte na tumutulong upang mapanatili ang mga antas ng presyon ng dugo.

Nakatutulong din ito upang makatulog ng maayos ang isang tao dahil ang durian ay naglalaman ng tryptophan, isang mahalagang amino acid na kinakailangan upang mapataas ang mga antas ng melatonin.

Naglalaman din ito ng mas maraming Vitamin C kaysa sa ibang tropical fruits. Ang Vitamin C ay may mga katangian ng Antioxidant na tumutulong upang labanan ang mga free radicals sa iyong katawan, na maaaring makatulong na mabawasan ang pigmentation at wrinkles.

Mayaman din ang durian sa mga mineral na iron, copper at potassium, na lahat ay mahalaga para sa pagpapanatili ng malakas na buto. —sa panulat ni Hannah Oledan

December 24, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SALMONELLA

Ang Salmonella ay isang impeksyon na nagdudulot ng pagtatae, lagnat at pananakit ng tiyan.

Karaniwang nawawala ang salmonella pagkalipas ng ilang araw ngunit kinakailangang uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.

Ilan sa mga sintomas ng pagkakaroon ng salmonella ay

  • diarrhea
  • lagnat
  • pananakit ng tyan o cramps
  • nausea o pagsusuka
  • sakit sa ulo

Maaaring makuha ang salmonella sa mga pagkaing kinokonsumo natin sa araw-araw tulad ng

  • raw eggs o eggshells
  • raw red meat seafood at poultry.
  • prutas at gulay
  • unpasteurized milk o cheese
  • untreated water
  • balahibo, feathers, kaliskis, balat at dumi ng hayop

Maaari rin itong makuha sa mga hayop tulad ng mga

  • amphibians
  • reptiles
  • birds
  • farm animals
  • pets tulad ng aso pusa at iba pang maliliit na hayop.

Ang salmonella ay nakakahawa at maaaring makuha mula sa ibang tao o maging sa iyong alagang hayop.

Karaniwang hindi ginagamot ang salmonella ng gamot ngunit  maaaring mag bigay ang iyong healthcare provider ng mga antibiotic.

Dapat kang uminom ng maraming tubig at maaaring bigyan ka ng iyong provider ng IV Fluids kung ikaw ay dehydrated.

Malaki ang parte ng proper hygiene kaya naman, ugaliin ang tamang paghuhugas ng kamay at iwasan ang paghalik sa mga alagang hayop. —sa panulat ni Hannah Oledan

December 24, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Isa sa mga pangunahing pagkain na binibili ng mga tao ay ang itlog.

Kadalasan itong piniprito o nilagaga.

Alam nito ba na pwedeng kumain ng itlog nang anim o pitong beses sa isang linggo?

Ang itlog ay magandang source ng protina, amino acids, vitamin a para sa malusog na mata, vitamin b para sa utak at ugat, vitamin, d at vitamin b.

May taglay din itong iron para sa dugo, calcium, lutein at zinc.

Samantala, mas mainam kung ilalaga ang itlog kaysa iprito para hindi masyadong mamantika.

December 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BALUT

Alam niyo ba kung anong sustansyang makukuha sa balot?

Ang balot ay isang fertilized egg embryo na mula sa bibe, na pinakuluan o pinasingaw.

May taglay itong sustansya tulad na lamang ng:

  • protina sa katawan, na makakatulong sa pagsasaayos ng mga nasirang cells at tissue sa katawan.
  • may source ng iron para sa sirkulasyon ng ating dugo.
  • mayroon ding 116 milligrams calcium upang proteksyon laban sa osteoporosis at cancer.
  • maari namang gamitin ito bilang pang-diet dahil sa taglay nitong energy sa ating katawan.

May kakaiba mang itsura ang balot ngunit maraming taglay na benepisyo at sustansya sa ating kalusugan.  —sa panulat ni Jenn Patrolla

December 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
onion water

Ano nga ba ang sinasabi ng mga doktor sa viral na onion water?

Marami ang nagsasabi na mabisa itong panlaban sa respiratory symptoms tulad ng coughing at congestion at nakatutulong sa mabilis na paggaling mula sa supon, trangkaso at sinus infections.

Ayon sa mga doktor at eksperto, bagamat matagal nang umiiral ang “onion water” ay walang malinaw na pananaliksik na nagpapakita na ito ay may benepisyo para sa iyong karaniwang tao para sa ubo, sipon at trangkaso

Hindi naman umano nakakasama sa kalusugan ang pag inom ng onion water dahil ang katamtamang dami ng mga sibuyas, maging ito man ay nasa tsaa o bilang isang sangkap sa pagluluto, ay karaniwang safe for human consumption.

Hinihimok naman ng mga eksperto ang publiko na subukan ang mga therapies kung saan mayroong ilang agham at ilang pananaliksik ang naisagawa upang ipakita na nakakatulong ang mga ito tulad ng

–        paggamit ng nasal saline drops o sprays

–        pagkakaroon ng sapat na tulog

–        pag-inom ng gamot

–        at pag-inom ng maraming tubig —sa panulat ni Hannah Oledan

December 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest