Home HEALTH

HEALTH

RED WINE

Ang red wine, bilang isang uri ng alak ay may masama nang reputasyon lalo na sa ating kalusugan ngunit paano nga ba ito naging malusog?

Ang mga antioxidant sa red wine o polyphenols ay nakakatulong na protektahan ang lining ng mga daluyan ng dugo sa puso.

Maaari ring makatulong ang resveratrol na maiwasan ang pagkasira sa mga daluyan ng dugo, mabawasan ang low-density lipoprotein cholesterol o ang masamang kolesterol at maiwasan ang mga pamumuo ng dugo.

Samantala, ang iba pang benepisyo ng pag-inom ng red wine ay:

  • pinapababa ang masamang kolesterol.
  • pinapanatiling malusog ang puso.
  • binabawasan ang panganib ng kanser.
  • tumutulong sa paggamot sa karaniwang sipon.
  • pinapanatiling matalas ang memorya.
  • pinapanatili kang slim.
  • binabawasan ang panganib ng depresyon —sa panulat ni Hannah Oledan
December 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam niyo ba na ang gatas ay masustansya sa katawan

Ang gatas ay “Superfood” na naglalaman ng mga mahahalagang bitamina at mineral na kailangan ng katawan.

Ito ay may taglay na vitamin B12 na kailangan ng ating utak, may calcium na pampalakas ng buto,  para mapanatiling malakas ang katawan, at phosporus na makatutulong sa mga nasirang selula.

Ang gatas ay mayaman din sa protina na tumutulong gumawa ng enzymes  sa katawan.

Bukod riyan, mayroon ding potassium at magnesium ang gatas na nagpapakalma sa ating isip.

Para naman sa mga sobrang mag-pawis, ang calcium ang tutulong sa pagbawas ng pagpapawis.
Kaya’t payo ng doktor na uminom ng isang basong gatas araw-araw.

December 12, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam niyo ba na mayaman sa calcium at phosphorous ang sitaw o string beans na

Alam niyo ba na maganda ang sitaw o string beans para sa buto at ngipin dahil sa taglay niton calcium at phosphorous?

Likas din ito sa iba’t ibang nutrients tulad ng protein, vitamin a, thiamin iron at potassium.

Sa bawat 100 grams niyo ay nakapagbibigay ito ng 2 grams ng protein, 8.2 grams ng carbohydrates at iba pang mineral. – sa panunulat ni Hannah Oledan

December 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam niyo bang maraming benepisyo ang white beans?

Ito’y mataas na naglalaman ng nutrients tulad ng bitamina at mineral para sa katawan.

Ito rin ay may benepisyong taglay ng Aluminum, Boron, Potassium, Calcium, Magnesium at Copper.

Nakatutulong din ito sa pagbaba ng timbang at pinipigilan nito ang pagsipsip ng carbohydrates sa katawan.

 

Kauganay dito, naglalaman ito ng 20 % na protina at pinapabuti ng beans ang kalusugan ng puso.

 

Binabawasan din nito ng kolesterol sa dugo sa pamamagitan ng naglalaman ng tinunaw na hibla at folic acid.- sa panunulat ni Jenn Patrolla

December 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
POTASSIUM

Alam niyo bang isa sa pinakamahalagang mineral sa katawan ay ang Potassium?

Mahalaga ang Potassium upang maging maayos ang relasyon sa pagitan ng mga cells at kalamnan.

Ito’y pampagana nang maayos sa ating organs tulad ng puso, bato at iba pa.

Nakatutulong din ang Potassium sa pagmi-maintain ng tubig at pagpapanatiling balanse ng mga mineral at electrolytes sa katawan.

Maaari namang kumain ng mga pagkain na mayaman sa potassium tulad ng white beans, spinanch, patatas, kalabasa, salmon at abukado.

Samantala, manatiling kumain ng mga masusutansyang pagkain upang maiwasan magkasakit. —sa panulat ni Jenn Patrolla

 

December 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DARK CHOCOLATES

Alam niyo ba na hindi lang masarap ang dark chocolate, marami ring makukuhang benepisyo mula sa pagkain nito.

Ang dark chocolate siksik sa Antioxidants tulad ng Polyphenol, Flavanol at Catechin na nakatutulong upang mapigilan ang pagkakaroon ng Cancer.

Pinabibilis din nito ang daloy ng dugo sa katawan dahil pinasisigla nito ang ating mga ugat.

Pinapababa rin nito ang kolesterol sa katawan at kalaunan ay pinapababa rin ang tyansang magkaroon ng cardiovascular disease.

Mabisa rin itong pampagana ng utak dahil sa Flavanol na taglay nito. ang Kakaw o Cocoa na pangunahing sangkap ng tsokolate ay naglalaman ng mga stimulant tulad ng caffeine at Theobromine na nakapagpapabuti ng pag-andar ng utak. —sa panulat ni Hannah Oledan

December 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ubas

Alam niyo ba na ang Ubas ay hindi lang masarap na snack, juice o wine?

Ito ay siksik sa nutrisyon at benepisyo at antioxidant contents.

Mayaman din itong source ng copper na essential para sa energy production at Vitamin K o Potassium na mahalaga naman para sa blood clotting at matitibay na buto.

Nakapagpapababa rin ng blood pressure ang ubas dahil sa tagkay nitong potassium.

Ang antioxidant contents nito ay nakatutulong din para protektahan ang mga tao laban sa ilang uri ng cancer. —sa panulat ni Hannah Oledan

December 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KALABASA SQUASH

Alam niyo ba na maraming sustansyang taglay ang kalabasa?

Ang kalabasa o squash ay mayaman sa Vitamin C at beta carotene na tumutulong labanan ang ibang sakit na may kinalaman sa paglabo ng mata o paglaho ng paningin.

Maliban dito, nakatutulong din ang Vitamin C para makaiwas sa pagkakaroon ng katarata.

Nakatutulong din ang kalabasa upang tumibay at maging matatag ang buto sa ating katawan dahil sa manganese at Vitamin C.

Tumutulong din ito upang labanan ang iba’t ibang uri ng sakit lalo na ang cancer.

Dahil dito, maraming benepisyong taglay ang kalabasa na nakatutulong sa ating katawan hindi lamang ito pampalinaw ng mata.

December 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam niyo ba na may benepisyong pangkalusugan ang pagkain ng sitaw?

Ang sitaw o green beans ay mpunong-puno na ng nutrients tulad ng vitamins at minerals.

Ayon sa usda national nutrient diabestes, mayroong mataas na fiber content ang sitaw kung saan nakakapagbigay ito ng protein sa katawan.

Nakakatulong din ang pagkain ng sitaw upang makaiwas sa ilang uri ng sakit tulad ng sakit sa puso at diabetes.

Bukod dito, isa rin ang sitaw na maituturing na pampatibay ng buto dahil sa taglay nitong Vitamin K.

Ayon sa mga eksperto, ang sitaw ay maraming nutrisyong taglay ngunit hindi ito alternatibong gamot sa anumang uri ng sakit.

December 7, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Alam niyo ba na maraming benepisyong taglay ang atis sa katawan?
Ang atis o annonna squamosa na kilala rin bilang sugar apple ay isang prutas na may matamis at masarap na lasa.
Maiiwasan ng atis ang mga pamamaga, pagiging diabetic at panganib na magkaroon ng ulcer.
Nagtataglay din ang atis ng mga vitamin a, potassium, at iron na nakakatulong mapalakas ang ating katawan.
Mayaman din ang atis sa vitamin c na nakakatibay sa ating immune system.
Ayon sa mga eksperto, maraming sustansya mang taglay ang atis ngunit hindi ito alternatibong gamot sa anumang uri ng sakit.

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest