Nag-propose na ang comedian at talent manager na si Arnell Ignacio sa 28-anyos na boyfriend nitong si Ken El Psalmer.
Sa isang hotel sa Maynila, ginanap ang pagpo-propose ni Arnell nna sinaksihan ng kanilang mga kaibigan at staff and crew ng naturang hotel.
Ayon sa report, naiyak ang boyfriend ni Arnell habang nagbibigay ng mensahe si Arnell.
Sa huli sinubukan ni Arnell na lumuhod bago isuot ang singsing ngunit pinigilan siya ng kanyang kasintahan at niyakap na lamang at sabay hinalikan sa labi.
Gayunman, nilinaw ni Arnell na wala pa sa plano nila ang magpakasal, ito aniya ay tanda lamang na kanya na si Ken at para wala nang umagaw dito.
By Ralph Obina
Photo Credit: bandera.com