Isa na lamang ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa Lucena City sa lalawigan ng Quezon.
Ayon sa City Public Information Office, ang natitirang pasyente ay mula sa barangay gulang-gulang.
Batay sa datos hanggang nitong Disyembre 12, nakapagtala ang siyudad ng kabuuang 6,815 COVID-19 cases, 6,583 recoveries at 231 fatalities.
Samantala, nakapagtala naman ng tig-anim na aktibong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Lucban, Candelaria, Gumaca at Atimonan.