Lumaki pa ang agwat ni vice presidential bet at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, kay Senate President Vicente Sotto, III sa pinakahuling Pulse Asia Survey para sa 2022 Elections.
Sa survey na ginawa mula March 17 hanggang 21, nakakuha si Duterte-Carpio ng 56% na boto malayo kumpara sa 20% na nakuha ni Sotto.
Nanguna rin si Duterte-Carpio sa lokal kung saan nakakuha ito ng 56% na boto sa Metro Manila, 44% sa Balance Luzon at 50% sa Visayas.
Sumunod kina Duterte-Carpio at Sotto sina; Senator Francis Pangilinan na may 15%, Doc Willie Ong na may 5% at Buhay Party-List Representative Lito Atienza na may 1%. —sa panulat ni Abby Malanday