Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya bibigay sa anumang pagpupumilit o pag-uudyok na makipag-away sa China.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa inagurasyon ng Davao River bridge Widening Project, inihayag nitong may iba pang problemang mas dapat niyang tutukan kaysa maghamon ng ng giyera.
Ito ay ang banta sa Mindanao dala ng Islamic State na aniya’y mas dapat harapin sa halip na magpabuyo sa nagpupumilit na makipatalo sa Tsina.
Kung makikipag-away aniya ang Pilipinas sa Tsina at pumasok sa eksena ang ISIS, hindi na marahil mababatid kung saan pupulutin ang bansa bandang huli.
Binigyang diin ni Pangulong Duterte na hindi ito ang panahon para sa pagyayabang lalo’t wala naman talagang kakayahang makipag-giyera ang Pilipinas sa kaibigang bansa.
—-