Posibleng magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ang pagtatrabaho sa gabi.
Ayon sa mga eksperto, maari itong magdulot ng mga sakit tulad ng prostate at breast cancer, katabaan at sakit sa puso lalo sa mga call center agents, entertainers, securtiy guards at iba pa.
Ipinaliwanag ng mga eksperto na ang lebel ng melatonin, isang kemikal na nakatutulong sa ating pagtulog ay posibleng bumaba dahil ito ay nakadepende sa kapaligiran na tumataas kung madilim at natutulog ang isang tao, ngunit bumababa kung may liwanag o sikat ng araw.
Samantala, maaring malunasan ang ganitong mga sakit tulad ng pagbabawas ng liwanag ng komputer o gadyet, pag-gamit ng yellow light sa halip na white flourescent light sa kwarto.
Gayundin, ang pagbawi ng pito hanggang walong oras na pagtulog sa umaga, pag-eehersisyo at pagkonsumo ng mga masusustansyang pagkain.