Binigyang diin ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na hindi nila itatago ang mga batang nasa lansangan malapit sa ASEAN events na gaganapin ngayong buwan.
Ayon kay Mary Cajayon-Uy , Executive Director ng DSWD Council for the Welfare of Children, ito ay alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag maging mapag-kunwari sa tunay na sitwasyon sa bansa.
Gayunman aniya ay naglaan ng pondo si Senador Loren Legarda na gagamitin para sa activity centers ng mga street children.
Matatandaang, mistulang dinala sa bakasyon ng dating pamunuan ng DSWD ng nakalipas na administrasyon ang mga informal settlers sa Roxas Boulevard noong ginanap sa Pilipinas ang APEC Summit.
—-