Pinangunahan ni Senador Lito Lapid ang pamamahagi ng ayuda sa 3,800 na benepisyaryo ng ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng DSWD sa Borongan City, Eastern Samar.
Malugod na sinalubong ng mga opisyal at miyembro ng Philippine Guardians Brotherhood Inc. sina Sen. Lapid at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority Chief Operating Officer Mark Lapid.
Kasama rin sa akap payout sina 4Ps Partylist Rep. Marcelino Libanan at Vice-Gov. Maria Caridad Goteesan.
Todo pasalamat naman kay Sen. Lapid ang mga nakatanggap ng nasabing ayuda.