Magbabalik ngayong buwan ng Marso ang Bagoong Festival sa Lingayen, Pangasinan matapos makansela ng ilang taon dahil sa pandemya.
Ang main events na naka-schedule mula Marso 16 hanggang 18 ay ang Taway-Taway Cooking Exhibition kung saan tampok dito si Chef Stries Casallo, gayundin ang free guided tour sa bagoong factories, Lingayen Cooking Competition, at Street Dancing Competition.
Ayon kay Municipal Tourism Officer Michelle Lioanag, sa cooking competition ay magtatagisan ng galing ang mga kalahok sa pagluluto ng iba’t ibang putahe na may bagoong.
Sinabi ni Lioanag na maaaring mag-register online ang mga interesadong sumali sa mga naturang aktibidad.