Lumipad patungong Singapore si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ayon sa alkalde, siya ay naka-leave ngayon at nagtungo sa nasabing bansa ngunit hindi na dinetalye pa nito ang layon ng kaniyang byahe.
Tiniyak naman ni Sara na siya ay mayroong travel authority mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) bago umalis ng bansa.
Kahapon, ika-6 ng Abril, alas-9 ng umaga, dumating ang alkalde sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 mula sa Davao, alas-2 ng hapon nang ito ay lumipad patungong Singapore kasama ang isang anak, yaya at isang miyembro ng Presidential Security Group.